Mommy Dionisia ipinasilip ang loob ng kanilang mansyon sa General Santos City

Mommy Dionisia Pacquiao ipinasilip ang loob ng kanilang mansyon na matatagpuan sa General Santos City. Sa YouTube channel ni Jinkee Pacquiao, nagbigay si Mommy D ng isang home tour sa loob ng kanyang tahanan.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Youtube



Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Youtube

Ang ina ng ating “Pambansang Kamao” ay nagbahagi ng kanyang mga naging koleksyon sa ballroom tulad ng: ballroom dancing shoes, figurines, tablewares at marami pang iba. Tulad ng sinumang ina, si Mommy D ay nagtago rin ng ilang mga memorabilias ng mga natamo at napagdaanan ng kanyang anak na si Manny, tulad ng mga tiket sa boksing, mga lumang laruang kotse at marami pang iba.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Youtube
Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Youtube

Sa isang banda, ibinahagi rin ni Mommy D ang isang kwento sa likod ng ilan sa kanyang mga lumang mga tablewares. Ibinahagi rin niya, na ang ilan sa mga ito ay kanyang pinapanatili o itinatago ay sa kadahilanang ito ay paalala o nagpapaalala sa kanilang mga naranasang pagsubok sa buhay.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Youtube



Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Youtube
Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Youtube

Dagdag pa ni Mommy D, “ Ito ang mga bagay na memorable sa akin noong mahirap pa ako. Hindi ko talaga ito binalewala, no’ng mga panahong naghihirap kami, ito ang aking souvenir. Oo, mahirap ako, pero kinaya kung maghanap ng trabaho para may maipakain ako sa aking mga anak, at para hindi ko sila nakikitang nahihirapan.”

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Youtube



Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Youtube
Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Youtube

Sinabi rin niya na sa kabila ng kanilang nararanasang hirap noon, lalong-lalo na pagdating sa pera, , tiniyak parin niya na ang kanyang mga anak ay maayos na nakakakain. Sabi pa niya, “ nakikita niyo naman, na kahit wala ng tatay ang mga anak ko ay malulusog parin silang tingnan. Hindi ako nabigyan ng ating gobyerno ng mga iba’t ibang rasyon tulad ng mga pang-vitamin at gatas para sa mga bata.”

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Youtube
Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Youtube
Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Youtube



Isinalaysay din niya kung paano siya pinuri ng isang doctor dahil sa pagpapalaki niya ng maayos sa kanyang mga anak. Inilahad niya sa doctor na wala siyang natatanggap na tulong galing sa gobyerno. Pero sa kabilang banda, sinabihan parin siya ng doctor na overweight na ang kanyang mga anak. At tamang tama ang pag-aalaga niya sa mga ito.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Youtube
Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Youtube
Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Youtube

Ipinakita rin ni Mommy D ang kanyang bagong itinayong kapilya kung saan ginugugol niya rito ang karamihan sa kanyang oras.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *