Ito na ngayon ang buhay ng dating ‘Angelito’ star na si Charee Pineda na kamakailan lamang ay ikinasal

Naaalala nyo pa ba ang isa sa mga star ng palabas na Angelito na si Charee Pineda? Ngayon siya’y ikinasal na. Ang dating star sa teleseryeng Angelito na si Charee Pineda na ngayon ay isa nang ganap na Konsehal ng Valenzuela, ay ikinasal na sa kanyang kapwa konsehal na si Martell Soledad. Ang una niyang trabaho bago maging Konsehal, siya ay naging isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman mula noong 2007–2010.

Image courtesy: Charee Pineda/Instagram
Image courtesy: Charee Pineda/Instagram



Sabi nga ng matatanda na, “Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy”. Kung titingnan mo nga naman na sa pitong masasayang taon na pagsasama nina Konsehal Charee Pineda at Konsehal Martell Pineda, masayang humantong ang kanilang pagmamahalan sa isang kasalan.

Image courtesy: Charee Pineda/Instagram

Noong Pebrero 28, 2020, ang dating aktres at kasalukuyang Konsehal ng Valenzuela City ay nagpost sa kanyang Instagram ng mga larawan na nagpapakita ng pagpapalitan nila ng kanyang asawa ng singsing, na may caption ng date at heart emojis na kung saan ay nakatag si Martell.

Image courtesy: Yasmien Kurdi/Instagram
Image courtesy: Yasmien Kurdi/Instagram

Ang kanyang dating Angelito co-star na si Kaye Abad ang unang taong nagpaabot ng pagbati sa kanya. Ang kanyang dating co-star mula sa Kapamilya at Kapuso networks ay nagpaabot din ng kanilang mga mensahe ng pagbati.

Image courtesy: Yasmien Kurdi/Instagram



Image courtesy: Yasmien Kurdi/Instagram

Noong nakaraang Disyembre 7, 2019, nagpost si Charee ng mga larawang kinuhanan sa Fatima Church kung saan nakasuot siya ng isang diamond ring, na nagpapahayag ng kanilang engagement ni Martell. Ang nasabing post ay may nakasulat na, “Sa simbahan ng Fatima. Kung saan nagsimula ang lahat. Mahal kita, Martell ! @martellsoledad.

Image courtesy: Charee Pineda/Instagram

Ang huling proyekto ni Charee Kapamilya network, ay ang pangalawang yugto ng Angelito: “Ang Bagong Yugto”, ang mga sumunod na pangyayari sa naunang Angelito: “Ang Batang Ama”. Lumipat si Charee sa Kapuso network noong 2013 bago tumakbo para sa lokal na tanggapan sa Valenzuela bilang isang konsehal.

Image courtesy: Charee Pineda/Instagram
Image courtesy: Charee Pineda/Instagram

Si Martell ay isa ring politiko at katunayan, siya ay pinsan ni Shalani Soledad. Ang pag-aasawa ay hindi basta-basta na iyong papasukin dahil ito ay sagrado kung kaya’t mas mainam na maging sigurado ka muna sa iyong sarili na ang taong iyong mapipili ay siya na. Gayunpaman, walang sigurado sa mundo kung kaya’t magiging mainam kung ika’y buong magtitiwala.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *