Nagbahagi ng isang mahalagang payo si Tita Annabelle para kay Sarah Lahbati at sa lahat ng mga kababaihan

Isa sa mga magkasintahan na talaga namang hinahangaan ng publiko sa mundo ng show business ay sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ito ay dahil na rin sa kanilang relationship goals na napanatiling matatag ang kanilang relasyon sa kabila ng mga pagsubok at intriga sa kanilang pagsasama.

Nagkaroon ng anak ang aktres bago pa man ito maikasal sa aktor at noong March 2017 ay sinorpresa siya ni Richard ng isang napaka-romantic na wedding proposal.

Image Courtesy: Instagram/sarahlahbati



Nangyari ang nasabing wedding proposal habang sila ay nasa bundok ng Zermatt Switzerland, ang lugar kung saan ipinanganak ang aktres.

Image Courtesy: Instagram/richardgutz

Matapos nga ang tatlong taong paghihintay ay ikakasal na rin sa wakas ang dalawa at bago pa man ito mangyari ay mayroong payo ang ina ni Richard na si Anabelle sa kaniyang future daughter-in-law.

Image Courtesy: Instagram/annabelleramaig

“Ang message ko kay Sarah, tigilan mo na ang pagseselos kasi ikakasal ka na”, pahayag ng talent manager na si Annabelle sa guesting nilang mag-anak sa ‘Magandang Buhay’.

Image Courtesy: Instagram/richardgutz

Maganda ang naging relasyon ni Annabelle at Sarah kung saan mas naging close ang mga ito at itinuring na ni Sarah bilang kaniyang second mom si Annabelle kaya naman nang bigyan siya ng payo nito ay nagpasalamat si Sarah dahil naiintindihan siya ng kaniyang mother-in-law sa kaniyang mga pinagdaananan noon.

Image Courtesy: msn

Sa katunayanan, ipinaalala din ni Annabelle sa lahat ng mga kababaihan na huwag sasabayan ang kanilang partner kung mainit ang ulo nito dahil mas lalo lamang silang mag-aaway. Mainam raw na bigyan ng panahon na kumalma ang iyong partner upang tumibay raw ang kanilang relasyon.

Image Courtesy: Instagram/sarahlahbati



“Kung gusto niyang magtagal sila ni Richard, ‘wag na siya magseselos tapos kapag mainit ulo nung isa, dapat magpasensya na siya. Para magtagal, ‘wag niyang salubungin ang init ng ulo. Yan ang lagi kong sinasabi ko kay Sarah,” dagdag pa ni Anabelle.

Tinanggap naman ni Sarah ang mga pahayag at advice ni Tita Annabelle dahil alam niya na concern lamang ito sa kanilang relasyon. Sa katunayan, masaya si Sarah na naging parte siya ng pamilya nina Annabelle at asawa nitong si Eddie Gutierrez dahil tinuring daw siyang parang kanilang anak.

Image Courtesy: Instagram/richardgutz

Kwento pa ni Sarah, madalas daw bumisita si Annabelle sa kanilang bahay at kung ano-ano ang mga pasalubong na dala nito para sa kaniyang mga anak. Very thoughtful raw ito sa kaniya kaya naging close silang dalawa na parang own mom na niya rin daw ito.

Image Courtesy: Instagram/richardgutz

“Thank you, Tita. I love you as my own mom. I’m happy na we’re this close,” pagbabahagi at pasasalamat ni Sarah sakaniyang mother-in-law.

“I’m happy na I can talk to you about anything. Dalawa na kayo ng mama ko,” dagdag ng aktres.

Image Courtesy: Instagram/sarahlahbati
Image Courtesy: Instagram/annabelleramaig

Sa nasabing panayam ay aminado rin si Sarah na nagkakaroon sila minsan ng hindi pagkakaunawan ng kaniyang future mother-in-law at para sa kaniya ay normal lang ito sa isang relasyon. Sa huli ay ipinagtanggol pa niya si Anabelle sa mga bashers nito dahil hindi naman raw ganoon ang dapat na tingin nila kay Annabelle dahil prangka man ito ay nagsasabi siya ng totoo.

Image Courtesy: Instagram/sarahlahbati

“It’s normal naman na meron, kung wala naman e hindi totoong relationship po ‘yon. Si Tita ganyan yan, akala niyo baka nakakatakot sa ibang tao or matapang, pero sa family sa mga kaibaingan, sobrang maalagain,”dagdag pa ni Sarah.

Image Courtesy: Instagram/sarahlahbati

Inanunsiyo nina Sarah at Richard na sila ay nasasabik na sa kanilang kasal na gaganapain ngayong March 2020. Inaabangan ng mga netizens ang kanilang wedding dahil paniguradong magiging bongga raw ang kanilang celebrasyon.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *