Ang pagmamahalan nina Manny at Jinkee Pacquiao noon ay tinutulan rin ni Mommy Dionisia

Walang tao ang hindi nangangarap ng masaya at magandang pagsasamahan at pagmamahalan. Alam naman nating hindi mahirap ang magkaroon ng taong mamahalin at makakasama natin habambuhay, iyon nga lamang, hindi lang ang taong mamahalin ang ating susuyuin at pakikisamahan, nandiyan din ang kanyang pamilya, lalong-lalo na ang kanyang mga magulang.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram



Kung akala mo ikaw lang ang may karanasang ganito, nagkakamali ka. Kasi marami sa mga sikat at kilalang tao sa industriya ang nakaranas din ng ganitong sitwasyon. Hindi lang ang bagong kasal na sina Sarah at Matteo. Gayun din ang ating Pambansang Kamao at ang asawa nitong si Jinkee ay nakaranas rin ng hindi maganda sa kanilang pagmamahalan.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Kaya naman, ibinahagi ng Pambansang Kamao at kasalukuyang Senator ang naging simula ng pagmamahalan nila ni Jinkee sa DZMM. Sinabi niya rito, ang kanilang pag-iibigan ay maiuugnay niya sa kwento ng pagmamahalan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na ang kanilang kasalan ay pinagpyestahan kamakailan lang ng maraming mga netizens.

Si Mommy D, ay hindi boto kay Jinkee para kay Manny, kaya hindi niya gusto na pakasalan ni Manny si Jinkee. Kung si Mommy Divine ay hindi inimbita sa araw ng mismong anak niyang si Sarah, si Mommy D naman ay hindi pumunta. Kahit noong araw ng pamamanhikan, ang tanging kasama ni Manny ay ang kanyang kapatid na babae.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Sabi ni Manny, “kung ano ang naranasan nina Sarah at Matteo, ay naranasan rin naming ni Jinkee”.
Para kay Mommy D, ang gustong maging asawa ni Manny ay ang dati nitong nobya na noon ay engaged na sila.

Kuwento ni Manny, “Bago si Jinkee ay may roon akong naging nobya at engaged na kaming dalawa, at yun ang gusto ni Mommy D para sa akin.”

Pagkatapos, noong mga panahong nakilala ko si Jinkee at pinakilala kay mama at sinabi kong si Jinkee ang pakakasalan ko, eh ayaw niya.”

Image courtesy: Matteo Guidecelli/Instagram



Pero kahit anong pagtanggi ni Mommy D, ay pinakasalan ni Manny si Jinkee. At nang kalaunan ay naging malapit na rin ang loob ni Mommy D kay Jinkee. Sa katunayan, sa isang vlog na nagtrending kamakailan lang sa social media ay magkasama ang dalawa.

Kaya naman, sa napagdaanan nina Manny at Jinkee, nagbigay ng isang payo ang Senador kina Sarah at Matteo. Na sa kabila ng naging aksyon ni Mommy Divine, ay huwag nilang kakalimutan na patuloy parin nila itong mahalain at intindihin.

Image courtesy: Matteo Guidecelli/Instagram

Pahayag ng Senador, “ Kahit ano pa ang naging aksyon ng mga magulang at mga biyenan ninyo, ay wag niyo paring kalimutan sila, bagkus ay patuloy na mahali at pahalagahan. Huwag magtatanim ng sama ng loob sa kanila, bagkus ay patuloy na mahalin at intindihin.”

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Gayun pa man, sa kabila ng pagtutol ni Mommy Divine sa kanilang kasal, ipakita parin nina Sarah at Matteo kung gaano nila kamahal at kasuportado ang isa’t isa na sa huli, ano man ang mangyari ay wala silang pagsisihan at pinagsisisihan sa naging desisyon nila na pinakasalan ang isa’t isa.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *