Inspiring na mensahe si Jodi Sta. Maria para sa lahat ng single mom na hindi pa natatagpuan ang kanilang iibigin

Ang aktres na si Jodi Sta. Maria ay isang single mom sa katorse anyos na anak na si Panfilo Lacson III o “Thirdy” sa dating asawang si Pampi Lacson. Naghiwalay sila noong taong 2011 matapos ang kanilang limang taon na pagsasama bilang mag-asawa at mula noon ay naging maingat na sa pakikipagrelasyon ang aktres.

Image Courtesy: Instagram/jodistamaria



Iniisip raw nito lagi ang kanyang anak sa lahat ng desisyon na kanyang ginagawa lalo na dahil paniguradong maaapektuhan ito.  Bago pumasok sa ano mang relasyon si Jodi ay kinokunsulta muna nito si Thirdy at binibigyan niya ng importansya ang opinyon nito tungkol sa mga lalaking potensyal na maging susunod niyang katuwang sa buhay.

Image Courtesy: Instagram/jodistamaria

Sa edad nitong 14 yrs old ay may sarili na itong isip kaya hindi lamang bina-balewala ni Jodi ang opinyon nito sa mga bagay-bagay.

Image Courtesy: Instagram/jodistamaria

Nang tanungin ng mga reporters ang aktres kung may balak pa itong mag-asawang muli ay sinabi nitong wala itong nakikitang problema sa estado ng buhay nito ngayon, ngunit kung nasa plano ng Diyos ang magpakasal siyang muli ay bakit raw hindi.

Image Courtesy: Instagram/jodistamaria



Ang huling nakarelasyon ni Jodi ay si Jolo Revilla na tumagal ng 8 taon hanggang sa maghiwalay sila noong taong 2018 at ngayon ay asawa na nito ang dating beauty queen na si Angelica Alita. Maayos rin naman ang relasyon nito sa dating asawa na si Pampi at katulong niya ito sa pagpapalaki sa kanilang anak na si Thirdy.

Image Courtesy: Instagram/jodistamaria

Binabalanse nito ang oras sa pagiging ina at estudyante lalo ngayon na nasa huling taon na ito sa kursong BS Psychology sa Southville International School and Colleges sa may Las Piñas City.

Image Courtesy: Instagram/jodistamaria

Sa isang panayam ni Jodi sa isang interview nang lehitimong source, sinabi nitong walang mali sa pagiging isang single na babae, isa ka mang ina o hindi. Lahat umano tayo ay may kakayahan na gawin ang lahat ng bagay kahit na tayo ay single.

Hindi niya ito nakikita bilang isang sumpa o ang tinatawag na “taboo” kapag wala kang partner sa buhay.

Image Courtesy: Instagram/jodistamaria

Sa ngayon ay nagfo-focus muna si Jodi sa kanyang anak, school at trabaho, sa katunayan ay may bago itong serye na isang iWant original na pinamagatang “My Single Lady”.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *