Ang nakakaantig na mensahe ni Hayden Kho para sa kaarawan ni Scarlet Snow ay patunay na mabuting ama ito

Limang taon na ang nakalilipas mula noong ipanganak ang celebrity baby na si Scarlet Snow Belo, anak ng mag-asawang Celebrity Doctors na sina Victoria “Vicki” Belo at Hayden Kho. Kung matatandaan ay hindi agad inilabas sa publiko ang noo’y sanggol pa lamang na si Scarlet subalit paglipas ng panahon ay unti-unti nilang ipinakilala ang kanilang anak sa publiko.

Ngayon nga ay isa si Scarlet sa pinakasikat na celebrity kid sa Pilipinas dahil marami ang natutuwa sa magandang bata na ito kung saan naging isa rin siya sa highest earning baby sa Social media.

Image Courtesy: Instragram/dochayden



Nitong ika-2 ng Marso ay nagdiwang si Scarlet Snow ng kanyang ika-limang taon ng buhay nito at may espesyal na mensahe ang ama nitong si Hayden para sa kanya.

Sa Instagram post ni Doc Hayden ay makikita ang ilan sa mga litrato ni Scarlet mula noong ito ay baby pa lamang hanggang sa ngayon na medyo malaki na ito. Matatandaan na si Hayden ay naging isang mabuti at hands on daddy sa kaniyang anak na si Scarlet kung saan makikita sa kaniyang mga Instagram post na napakagaling talaga nitong mag-alaga at naging isang Daddy’s girl nga si Scarlet sa kaniya.

Image Courtesy: Instragram/dochayden

Sa kaniyang post, isang inspiring caption naman ang ibinahagi ni Doc Hayden kung saan tagos sa puso ang kaniyang pagbati sa kaniyang anak.

Ayon kay Hayden, tila napakabilis nang paglipas ng oras dahil parang napakaliit pa nito noong una niya itong mabuhat sa kanyang mga braso at ngayon ay almost big girl na si Scarlet.

“How fast time flies. You were so tiny when I first held you in my arms, but look at you now, so tall and strong.”

Image Courtesy: Instragram/dochayden
Image Courtesy: Instragram/dochayden

Inamin nito na noo’y kinabahan ito sa pagdating ng bata dahil hindi raw ito sigurado kung paano maging isang ama, gayunpaman ay ipinangako niya sa sarili na ibibigay niya ang best niya para sa kaniyang anak. Bawat galaw at bawat salita na lalabas sa kaniyang bibig ay alam niyang kinakailangan nitong maging maingat dahil para rin sa ikabubuti ni Scarlet.

Image Courtesy: Instragram/dochayden



“I have to admit I was worried when you were born because I didn’t know how to be a father, but I swore I’d be the best one for you. Because of you, I shaped up. I became more circumspect about my words and actions, knowing that you’re always listening, always watching.”

Image Courtesy: Instragram/dochayden

“It’s amazing how God used you to prepare me for you. You’re an angel, my love. We love you so much. Thank you for bringing us joy and teaching us how to love more selflessly. Remember that Daddy and Mommy will always be your ‘Kakampi’. You can trust that we will be here for you to help you reach your dreams, and we will also be here during the many times that you might stumble. Happy 5th Birthday”, pagbati ni Hayden kay Scarlet.

Image Courtesy: Instragram/dochayden

Para kay Hayden, dahil kay Scarlet ay mas naging better ito bilang isang tao kung saan mas nalapit ito at naging matatag ang pananampalataya sa Panginoon.

Image Courtesy: Instragram/dochayden

Laking pasasalamat ni Hayden na dumating ang kanilang munting angel dahil sa ligayang dulot nito sa kanilang pamilya at sa pagtuturo sa kanila kung paano magmahal sa hindi makasariling paraan. Sa pagtatapos ng mensahe ay nais ipaalala ni Hayden at ng kanyang asawa na rin na si Dr. Vicki na habang-buhay sila nitong magiging kakampi at lagi silang nakasuporta sa pag-abot nito sa mga pangarap.

Image Courtesy: Instragram/dochayden

Tunay ngang napakabilis ng panahon, ilang taon mula ngayon ay hindi natin mamamalayan na magiging ganap na dalaga na ang prinsesa ng mag-asawang doktor sa likod ng Belo Medical Group.

Happy Birthday, Scarlet!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *