Nagbahagi si Dawn Zulueta ng kaniyang dalagang pilipina na litrato sa kaniyang ika-limampu’t isang kaarawan

Dawn Zulueta, masayang ipinagdiwang ang kanyang ika-51 Kaarawan. Ang kinagigiliwan at iniidolo ng halos karamihang mga Pilipino na si Dawn Zulueta ay akalain mo nga namang 51 taon na.
Ang aktres na walang kakupas-kupas ang ganda ay nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Marso 4, at siya ay 51 taong gulang na. Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ay nagawa pa nitong magbiro na siya parin ay isang dalagang pilipina.

Image courtesy: Dawn Zulueta/Instagram



Sa mismong araw ng kaarawan ng nasabing aktres ay nagpost ito ng kanyang larawan sa kanyang Instagram page na nagpapakita ng kanyang napakabata at walang kakupas-kupas na ganda. Sa bisperas ng kanyang kaarawan, nakasama niya ang mga ina ng teammates ng kaniyang anak sa Varsity.

Marami sa kanyang mga kapwa artista ay naglaan din ng oras upang batiin siya sa kanyang espesyal na araw, katulad na lamang nina Cheska Garcia, Amy Castillo, Maritoni Fernandez at Cherry Pie Picache.

Image courtesy: Dawn Zulueta/Instagram

Kasabay ng mga magaganda at nakakaantig na pagbati, nakatanggap rin si Zulueta ng mga bulaklak mula kay Boy Abunda at Vice Ganda, na tinawag niyang “Twinnie.” Nag-post siya ng mga clip ng mga regalo na kanyang natanggap sa kanyang Instagram Stories.

Image courtesy: Dawn Zulueta/Instagram

Bukod sa kanyang karera at galing sa pag-arte, si Zulueta ay pinarangalan din dahil sa kanyang mga kasanayan at galing sa musika. Nagsimula siyang maglaro ng piano noong 2017, at dahil dito ay araw-araw na siyang nagsasanay.

Image courtesy: Dawn Zulueta/Instagram

Ipinakita ng aktres ang kanyang galing sa pag-piano nung tinugtog niya ang komposisyon ng French pianist na si Erik Satie na “Gymnopedie No. 1,” na na-upload niya sa kanyang Instagram noong Pebrero 21.

Image courtesy: Dawn Zulueta/Instagram

Huling pinagbidahan ni Zulueta noong nakaraang taon ang isang pelikulang family-drama na pinamagatang “Family History” kasama niya rito si Michael V, na isarin sa mga pumatnubay ng nasabing palabas. Samantala, nagbiro siya noong nakaraang buwan na mayroon siyang darating na proyekto kasama niya ang kanyang kapwa beterano na aktor na si Edu Manzano.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *