‘Just Us, No Kids’ na travel nina Camille Prats at VJ Yambao sa USA hinangaan ng mga Netizens

Hindi raw biro ang pag-aasawa dahil kinakailangan mong gampanan ang iyong tungkulin bilang isang mabuting partner, ngunit ayon sa iba ay mas hindi biro ang bumuo ng pamilya dahil napakahirap ang maging isang magulang. Kadalasan kapag ang mag-asawa ay nagkaroon na ng kanilang supling ay mas nakatuon na roon ang kanilang atensyon at naisasantabi na ang romansa dahil nakatutok na ang mga magulang sa pangangailangan ng mga bata.

Sa kasamaang palad ay marami ang naghihiwalay dahil sa kakulangan ng oras at atensyon sa pagitan ng mag-asawa, bagay na hindi nais mangyari ng Celebrity couple na sina Camille Prats at VJ Yambao.

Image Courtesy: Instagram/Camilleprats



Para sa kanila ay importante pa rin ang pagkakaroon ng ‘babe time’ ng mag-asawa dahil mas tumatatag ang relasyon ng mga ito. Kaya naman para sa kanilang oras para sa isa’t isa, kamakailan lamang ay nagtungo sila sa Estados Unidos para magbakasyon nang hindi kasama ang kanilang mga anak.

Image Courtesy: Instagram/Camilleprats

Nakakabilib ang dalawa dahil nagawa nilang iwanan panandalian ang kanilang mga anak lalo na ang kanilang bunso na si Baby Nolan na ilang buwan pa lamang.

Image Courtesy: Instagram/Camilleprats

Para kina Camille at VJ, dapat lang na maglaan ng oras para sa isa’t-isa kahit pa sila ay may mga anak na upang mas maging maayos silang magulang sa kanilang mga anak.

Image Courtesy: Instagram/Camilleprats

Ang kanilang bakasyon na ito ay para rin sa kapakanan nilang dalawa at ng mga bata dahil mas tumatatag ang kanilang relasyon bilang mag-asawa at magulang sa mga bata. Kaya naman ang pag-travel nila paminsan-minsan ay sobrang helpful para sa kanilang growing family.

Image Courtesy: Instagram/Camilleprats

Nami-miss raw nila ang mga panahon na hindi nila kasama ang mga bata ngunit masaya rin naman sila tuwing nakakapag-solo ang dalawa dahil tila ay nababalik ang sweetness at closeness katulad noong panahong sila ay magkasintahan pa lamang. Animo ligawan stage muli ang dalawa habang namamasyal sa mga tourist spots sa New York City at California.

Image Courtesy: Instagram/Camilleprats



Image Courtesy: Instagram/Camilleprats

Sa Instagram account ni Camille ay makikita ang mga larawang kuha sa kanilang dalawa habang sila ay namamasyal sa Central Park, the Grand Central Terminal, the Vessel at 9/11 Memorial sa New York City.

Image Courtesy: Instagram/Camilleprats

“From time to time, we make it a point to go on trips just the two of us. Coz we believe we can be the best parents to our kids if we are both connected as husband and wife. Missing the kids but really loving our time together! Reminiscing our mag jowa stage”, caption ni Camille sa kaniyang Instagram photo na nasa US.

Image Courtesy: Instagram/Camilleprats

Marami pa silang ibang pinasyalan sa USA ngunit ang pinaka-highlight ng kanilang trip ay naganap sa Los Angeles, California kung saan napanood nilang maglaro nang personal ang kanilang idolo na si LeBron James.

Image Courtesy: Instagram/Camilleprats

Ayon kay Camille, ang pagiging fan nila pareho sa sikat na NBA player ay isa sa unang napagkasunduan nila noong sila ay nagkakakilanlan pa lamang. Ngiting-ngiti sila sa kanilang litrato na kuha sa harap ng Staples Center kung saan ginanap ang nasabing laro habang nakasuot pa sila ng magkaparehong dilaw na jersey ng kanilang paboritong team na Lakers.

Image Courtesy: Instagram/Camilleprats

Tatlong taon na rin ang nakalipas nang ikasal sina Camille at VJ noong ika-7 ng Enero taong 2017 sa Batangas City. Ngayon ay masaya silang namumuhay bilang pamilya kasama ang kanilang tatlong anak na sina Nathan, Nala at Nolan.

Image Courtesy: Instagram/Camilleprats

Hanga ang mga netizens dahil nakaya nilang iwanan at ipagkatiwala ang kanilang mga anak habang sila ay namamasyal. Sang-ayon rin ang ilang mga netizens sa kinakailangan ng ‘hubby at wifey time’ paminsan-minsan ng mag-asawa o magpartner dahil ito ang makakapagpatibay ng kanilang relasyon.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *