Nagbahagi ng payo si Jinkee Pacquiao para sa masaya at matatag na pagmamahalan ng mag-asawa

Laganap na dito sa bansang Pilipinas ang salitang divorce. Pero marami pa rin sa atin ang naghahanap at gumagawa ng paraan kung papaano mapapatagal at mapapanatiling masaya ang pagsasama ng isang mag-asawa.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram



Sabi nga ng matatanda, “Ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo, na iluluwa kapag napaso.”
Kaya naman, narito ang payong maibibigay ni Jinkee Pacquiao upang maging matibay ang pagsasama ng mag-asawa.

Upang maiwasan ang pagtatalo at mauwi sa hiwalayan ang pagsasama ng mag-asawa, ay kailangang habaan ang pasensya at pag-unawa sa isa’t isa. Lahat ng relasyon ay may kanya-kanyang pagsubok na pinagdadaanan.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Ang masaya at magandang pagsasama ng mag-asawang Jinkee at Manny ay minsan naring sinubok at hinamon ng pagkakataon. Pero ang Panginoon ang naging sentro ng kanilang relasyon at pagsasama.

Ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay mahigit dalawang dekada na. Kaya hindi maikakaila na marami ng pagsubok ang kanilang nalagpasan at marami ng aral ang natutunan ni Jinkee sa buhay may asawa.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Si Jinkee ay 20 taong gulang nang magsama sila ni Manny Pacquiao. Sa kanyang bagong vlog, ay ikinuwento niya ang naging relasyon nila ni Manny Pacquaio at ibinahagi niya rin dito ang mga pinagdaanan nilang dalawa sa mga panahong lumipas.

Ibinahagi ni Jinkee na hindi pa sila ganun ka mature noong magsama sila ni Manny. At iyan ay kanyang nakwento habang naglilibot siya sa kanyang maganda at malapalasyong mansion nila sa General Santos City.

Pahayag ni Jinkee, “Parehas kami ng edad ni Manny ng mag-umpisa kaming magsama. Masasabi kong hindi pa kami ganun ka mature sa pinasok namin.”

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram



“Dahil parehas kaming bata at maagang nagsama, wala kaming ibang inisip kundi puro kaligayahan. Hindi namin inisip na pwedeng may nag-aabang at may mga dumating na pagsubok sa amin. Sa una lang talaga, walang ibang iisipin kundi puro saya, yung nakikitang pareho kayong masaya. Pero habang tumatagal…doon mo na makikita, masasalubong ang mga pagsubok na dumarating sa inyong pagsasama,” saad niya.

“Para maging mas matibay o matatag ang pagsasama ng mag-asawa ay kailangan, pareho kayong marunong umintindi, umunawa at marunong magpasensya. Kailangan mo talagang habaan ang iyong pasensya.” Ito ang kanyang payo.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Saad pa ni Jinkee, “kung kanyang titingnan dahil sa estado ng relasyon nilang mag-asawa ngayon, para sa kanya ay nalampasan na nilang mag-asawa ang mga matitinding pagsubok at hamon sa buhay dahil ang Panginoon ang sentro ng kanilang pagmamahalan, dagdag pa niya, bukas sa publiko ang buhay pag-ibig nilang mag-asawa.”

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Aniya, “hanggang ngayon ay magkasama parin kami at nananatiling matatag at masaya, kasi ang Panginoon ang pinakasentro ng ang aming buhay.” Ang kanilang matibay, masayang pagsasama at pagmamahalan ni Manny ay biniyayaan ng limang anak – sina Jimuel, Michael, Princess, Queenie at Israel.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *