Siya si Marela Torre, ang anak ng beteranong aktor na si Joel Torre na may pagkakahawig kay Julia Montes

Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang anak ni Joel Torre na kahawig ni Julia Montes.
Kapag nakakakita tayo ng mga magaganda at magagaling na mga artista.ay iniidolo agad natin ito at hinahangaan.

Image courtesy: Marela Torre/Instagram



Kaya naman hinihintay at inaabangan natin ang mga anak ng ating hinahangaan, lalo na kung sila rin ba ay magiging kilalang tao lalo na sa iba’t ibang larangan sa industriya katulad ng kanilang mga magulang.

Image courtesy: Marela Torre/Instagram

Karamihan sa kanila; ang mga anak ng mga tanyag at kilalang tao ay sumusunod sa mga yapak ng kanilang mga magulang lalo na kung mayroon silang mabuti at magandang lahi ng kanilang mga magulang. Isa sa nagpatunay nito ay ang beteranong aktor na si Joel Torre. Isa siya sa mga pinakadakila at kilalang aktor sa Philippine Cinema.

Sa totoong buhay, ang tunay na pangalan ni Joel Torre ay Rizalino De Leon Torre. Siya ay ipinanganak noong Hulyo 29, 1961.

Image courtesy: Marela Torre/Instagram

Isa sa mga hindi malilimutan niyang pelikula ay noong ipinakita at ginampanan niya ang papel ng Pambansang Bayani ng Pilipinas, na si Jose Rizal, noong 1998. Nag-star din siya sa 2013 Indie Movie, “On The Job” kasama sina Piolo Pascual at Gerald Anderson.

Noong 2010, nanalo siya ng isang Best Actor Award sa ika-17 Punchon International Fantastic Film Festival para sa pelikulang Amigo.

Image courtesy: Marela Torre/Instagram



Sa isang larawan, ay napansin ng publiko ang anak ni Joel Torre na si Marela Torre kasama ang asawa na si Cristy Acona Torre. Ang dalaga ay hindi lamang maganda ngunit may talento din.

Ibang-iba sa kanyang ama ang nasabing dalagang anak ni Joel Torre. Dahil ang ama nito ay mahusay at may pangalan na sa industriya. Samantalang mas pinili ni Marela Torre na tanggihan ang pagtatrabaho sa harap ng mga Kamera.

Image courtesy: Marela Torre/Instagram

Bagama’t ginugol ang karamihan sa kanyang oras sa labas ng limelight, siya ay kamakailan na itinampok sa isa sa Yes! Magazine’s issue. Kasama sa kanyang libangan ang pagpipinta at landscaping.

Lumaki sa isang malikhaing pamilya si Marela Tore at ito ang naging daan para sa kanyang malikhaing gawa.

Image courtesy: Marela Torre/Instagram

Nagtatrabaho din si Marela sa negosyo ng kanilang pamilya, ang JT’s Manukan Grilles, isang dikit-dikit ng mga restawran na naghahain ng tradisyonal na mga lutuin mula sa bayan ng kanyang magulang, Bacolod City sa Negros Occidental.

Image courtesy: Marela Torre/Instagram

Sa kanyang mga litrato, napansin ng ilang mga netizens na may pagkakahawig siya sa Kapamilya aktres na si Julia Montes.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *