Isang Hands on Mom si Aubrey Miles sa kaniyang baby na si Rocket Miller

Tila napaka swerte na ni Aubrey Miles sa kaniyang buhay lalo na ngayon na nadagdagan ang kanilang pamilya ni Troy Montero dahil tatlo na ang kaniyang anak ngayon.

Image Courtesy: Instagram/MilesAubrey



Ibinihagi ni Aubrey Miles na bago pa man ito biyayaan ng Panginoon ng isang baby girl ay nakaranas ito ng dalawang beses na pagkabigo sa pagbubuntis na kaniyang hindi inaasahan. Kaya naman nang nabuo ang kaniyang bunsong anak na si Rocket Miller ay talaga namang tuwang-tuwa ito at nag-ingat ng mabuti para sa kaniyang baby.

Image Courtesy: Instagram/MilesAubrey

Sa ngayon ay 1 year old na si Baby Rocket kaya naman relax na si Aubrey sa kaniyang buhay kung saan iniintindi na lamang nito ang healthy body nito at ng kaniyang pamilya.

Image Courtesy: Instagram/MilesAubrey

Sa mga litratong ibinabahagi ni Aubrey Miles sa kaniyang Social Media ay talaga namang makikita na napakasaya nito at young looking dahil na rin sa kaniyang healthy lifestyle pati na rin ang kaniyang asawa na si Troy Montero.

Image Courtesy: Instagram/MilesAubrey

Bilang hands on mom sa kaniyang baby girl, nais ni Aubrey na maging healthy ang kaniyang baby kaya naman sa edad na 1 year old ay sinasanay na nito na pakainin ng gulay si Rocket tulad ng Broccoli.

Image Courtesy: Instagram/MilesAubrey
Image Courtesy: Instagram/MilesAubrey

Upang mapanatili naman ang kaniyang fit body ay regular na nag-eehersisyo si Aubrey kasama paminsan-minsan ang kaniyang asawa. Kung titignan ay tila ba parang hindi nanganak ang aktres dahil talaga namang ang ganda pa rin ng hubog ng kaniyang katawan ngayon.

Image Courtesy: Instagram/MilesAubrey
Image Courtesy: Instagram/MilesAubrey

Isang sikreto ng aktres kaya ito ay stress-free at tila ba fresh pa rin ay ang madalas na pag-travel kasama ang pamilya upang makapagbonding at makapag-unwind.

Image Courtesy: Instagram/MilesAubrey
Image Courtesy: Instagram/MilesAubrey



Sa katunayan, mahilig rin itong magpa-spa at massage para mapanatili ang kaniyang flawless skin at maboost ang kaniyang immune system.

Image Courtesy: Instagram/MilesAubrey
Image Courtesy: Instagram/MilesAubrey

Bukod doon ay mahilig rin ang aktres sa mga halaman kung saan ang kanilang bahay ay may ibat’ibang uri ng organic plants na nakakapag-paganda at nakakapagpalinis ng hangin sa loob ng kanilang bahay.

Image Courtesy: Instagram/MilesAubrey
Image Courtesy: Instagram/MilesAubrey

Pagdating naman sa kanilang kinakain ay mapili ang aktres dahil gusto lamang nito na fresh at walang halong kemikal ang kaniyang mga binibiling mga prutas at gulay kaya naman siya mismo ang namimili minsan nito upang masigurado niyang healthy ang ipapakain sa kaniyang pamilya.

Image Courtesy: Instagram/MilesAubrey
Image Courtesy: Instagram/MilesAubrey

Hanga ang mga netizens dahil napapanatili ni Aubrey Miles ang kaniyang kagandahan kahit na nagkaroon na ito ng tatlong anak. Kung titignan ay talaga namang walang bahid ng katandan sa kaniyang itsura kahit na ito ay papalapit na sa edad na 40. Fresh, young looking at hot momma pa rin ang aktres.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *