Ito na ngayon ang buhay ngayon ng artistang si Helga Krapf kasama ang kaniyang anak at asawa

Kung napanood at nasubaybayan niyo noon ang Star Circle Quest first season ng kapamilya network ay nakasali roon ang aktres na si Helga Krapf. Bukod doon ay bumida rin ito sa palabas na “Pedro Penduko” ni Matt Evans noong taong 2006 at naipakilala rin ng network si Helga sa Star Magic Talent matapos niyang lumabas sa ilang kapamilya shows.

Image Courtesy: Instagram/krapfhelga



Maaaring kilala niyo lamang siya sa kaniyang mukha at hindi sa kaniyang pangalan dahil agad lumisan sa industriya si Helga matapos ang ilang proyekto sa showbusiness. Nagkaroon na lamang ito ng ilang extra roles sa ilang mga pelikula kung saan ang huling movie na lumabas ito ay taong 2018. Isang kadahilanan na rin kaya hindi na gaanong lumalabas si Helga sa showbusiness ay dahil naging busy na ito sa kaniyang anak.

Image Courtesy: Instagram/krapfhelga

Napag-alaman na ang aktres ay nabuntis sa kaniyang non-showbiz doctor boyfriend noon na si Kevin Estillore at ipinanganak ang kanilang first baby girl na si Baby Amelie taong 2015.

Image Courtesy: Instagram/krapfhelga
Image Courtesy: Instagram/krapfhelga

Ngayon ay may ilang mga endorsement shoots ang aktres at kasabay nito ay ang pag-aalaga sa kaniyang anak na ngayon ay nasa edad 4 years old na. Tutok ang aktres sa pagpapalaki sa kaniyang anak at kadalasan pa nga ay madalas silang ‘twinning’ sa kanilang mga outfit.

Image Courtesy: Instagram/krapfhelga
Image Courtesy: Instagram/krapfhelga
Image Courtesy: Instagram/krapfhelga

Isang naging support system ni Helga ay ang kaniyang bestfriend at aktres na si Melissa Ricks. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa simula ng magkakilala sila sa Star Circle Quest at ngayon na mayroon na silang mga anak na babae ay madalas pa rin silang magkita. Sa katunayan, ang babaeng anak ni Melissa ay halos kasing edad din ng anak ni Helga kaya naman sa tuwing sila ay nagkikita ay nagiging playmates ang kanilang mga baby girls.

Image Courtesy: Instagram/krapfhelga
Image Courtesy: Instagram/krapfhelga



Bukod doon, ang 31-year-old aktres na si Helga ay napanatili pa rin ang kaniyang magandang hubog na katawan na tila ba parang hindi ito nanganak dahil hanggang ngayon ay slim pa rin ito at hot. Madalas pa rin daw kasi itong nagwowork-out at nagkakaroon ng ilang photo shoot kaya kinailangan niyang ibalik ang kaniyang dating alindog.

Image Courtesy: Instagram/krapfhelga

Kung maikukumpara ay hawig ni Helga ang aktres na si Coleen Garcia dahil halos parehas sila ng pangangatawan at kagandahan.

Image Courtesy: Instagram/krapfhelga
Image Courtesy: Instagram/krapfhelga

Ipinanganak si Helga Krapf noong Agosto 24, 1988 sa Germany sa kaniyang German Father at Filipina Mother. Taong 2016 nang maranasan ni Helga ang lowest of lows dahil kinailangan nila ng medical funds para sa kaniyang Ama na sumailalim sa Angioplasty. Subalit matapos ang ilang linggo ay sumakabilang buhay din ito.

Image Courtesy: Instagram/krapfhelga

Sa ngayon ay focus muna ang aktres sa pagpapalaki sa kaniyang anak na si Amelie at focus rin ito sa kaniyang trabaho upang mabigyan ng magandang future ang kaniyang anak.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *