“At 37, I’ve Realized the key to happiness is simple”, ito ang simpleng Birthday Celebration ni Bianca Gonzales

Napakahirap naman talagang balansehin ang work kasabay ng pag-aalaga mo sa iyong pamilya lalo na kung ikaw ay isang Mommy na nais maging hands on sa mga bata at nais din mag-trabaho para sa magandang future at sa maaayos na career.

Image Courtesy: Instagram/iamsuperbianca



Subalit para sa Tv host at actress na si Bianca Gonzales, kinakaya niya ang lahat upang mabigyan niya ng sapat na oras ang kaniyang pamilya at ang kaniyang hectic na schedule sa industriya. Kaya naman hanggat maaari ay mas pinaglalaanan niya ng atensyon at oras ang kaniyang pamilya dahil ito ang pantanggal niya ng pagod at stress sa buhay.

Image Courtesy: Instagram/iamsuperbianca

Kaya naman sa kaniyang ika-37th Birthday ay kuntento at masaya na ito na simple lamang ang kaniyang celebrasyon kasama ang kaniyang mga anak, asawa at mga kapamilya dahil mas gusto niya ang quality time kasama sila kaysa sa engrandeng selebrasyon.

Image Courtesy: Instagram/iamsuperbianca

“My idea of a perfect today: quality time with the kids, a boodle fight with family and the ates at home, a quiet hour for a mani pedi and a dinner date…” caption nito sa kaniyang Instagram account.

Image Courtesy: Instagram/iamsuperbianca

Ayon sa aktres, ang kaniyang handa para sa kaniyang kaarawan ay simple boodle fight food lamang tulad ng mga inihaw na isda, crab, hipon, pancit bihon, okra at salted egg habang kasama sa salo-salo ang kaniyang mga anak at mga ate.

Image Courtesy: Instagram/iamsuperbianca



Kasabay nito ay nagkaroon lamang siya ng simple birthday surprise with balloons at banderitas at noong gabi ay nagkaroon ito ng dinner date kasama ang kaniyang basketball player husband na si JC Intal.

Image Courtesy: Instagram/iamsuperbianca
Image Courtesy: Instagram/iamsuperbianca

“At 37, I’ve realized that the key to happiness is simple: gratefulness.” dagdag nito sa kaniyang caption sa Instagram.

Image Courtesy: Instagram/iamsuperbianca

Masaya si Bianca na nararamdaman niya ngayon ang happiness at contentment na minimithi ng ilan. Para sakaniya, ang susi para sa kaligayahan ay napakasimple lamang kung tutuusin. Ito ay ang pagiging grateful, thankful at pagpapakita ng appreciation sa mga maliliit na bagay na iyong natatanggap.

Image Courtesy: Instagram/iamsuperbianca
Image Courtesy: Instagram/iamsuperbianca

“Life is far from perfect but we are happy and healthy and I am so, so, so grateful for everything.” pahuling caption nito sa lahat ng kaniyang pinasalamatan sa kaniyang kaarawan.

Happy Birthday, Bianca! May Godbless you and protect you and your family.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *