Heart Evangelista, nagpadala ng regalo sa isang bata na tinaggihan at inayawan ng kaniyang Crush

Isang sulat para sa grade 4 na estudyante ang matatandaang nag-trending sa social media noong nakaraan, nakasaad sa nasabing sulat na binasted siya ng kanyang crush dahil sa kadahilanan na payat raw ito at hindi raw kumakain ng gulay ang batang lalaki.

Iginuhit pa mismo ng kanyang crush sa bandang ibaba ng papel kung sino ang napupusuan nito kaya naman ikinalungkot ito ng mga netizens dahil sa rejection na natanggap ng batang lalaki.

Image Courtesy: Instagram/iamhearte



Nakilala ang batang lalaking ito na si Eman na nagmula sa Donsol, Sorsogon. Nang mabasa at makita ito ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista, hindi niya napigilan ang kaniyang sarili na malungkot sa naramdaman ng bata.

Image Courtesy: Instagram/iamhearte

Kaya naman bago ang Valentine’s day ay nakatanggap ng supresa ang batang si Eman mula mismo sa kapuso actress, pinadalhan siya nito ng isang karton na puno ng pagkain at kung anu-ano pa.

Natuwa ang aktres nang mabasa ang nag-trending na sulat ngunit nalungkot rin ito para kay Eman, kaya naman naisipan nitong pasiyahin ang bata noong araw ng mga puso.

Image Courtesy: Instagram/iamhearte

Si Heart ay asawa ng dating senador na si Chiz Escudero na ngayon ay kasalukuyan nang gobernador ng Sorsogon, kaya naman malapit rin talaga sa kanya ang mga kababayan nating nakatira doon.

Image Courtesy: Instagram/iamhearte

Nagkataon na nasa Sorsogon ang aktres at doon nagdiwang ng kanyang kaarawan kaya naman nakita nito na magandang oportunidad iyon upang padalhan ng regalo ang bata. Hindi man nasungkit ni Eman ang puso ng kanyang crush ay mas malaking kaligayahan naman ang natanggap nito sa pamamagitan ng aktres.

Image Courtesy: Instagram/iamhearte



Natuwa nang husto ang bata sa kanyang natanggap na regalo kaya naman nagpadala ito ng sulat para kay Heart bilang pasasalamat sakaniya.

Binati nito sa kanyang sulat ang aktres para sa nakalipas na araw ng mga puso at mismong kaarawan na rin nito. Kasabay ay nangako rin ang bata na kakain na ito ng maraming gulay upang tumaba na raw ito.

Image Courtesy: Instagram/iamhearte

Sa Twitter account ni Heart ay ibinahagi niya ang litratong kuha kay Eman habang nakangiti ito sa tabi ng regalong natanggap mula sa kanya at pati na rin ang sulat na ipinadala nito sa kanya.

Image Courtesy: Instagram/iamhearte

Nakasaad naman sa caption ng nasabing post ni Heart ay ang “Happy Valentine’s Day Eman! In time you will find your one true love!”.

Image Courtesy: Instagram/iamhearte

Nakakatouch ang simple gestures na ito ni Heart kung saan hindi ito alam ng karamihan dahil akala lamang nila ay rich kid at spoiled lamang ang aktres kung saan wala itong alam kung hindi bumili ng mamahaling gamit. Subalit ang hindi alam ng karamihan na sa likod ng kaniyang kayamanan ay ang kayamanan niya sa pagkakaroon ng mabuting puso. Godbless you Heart!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *