Mga nakaugalian na pamamaraan ni Dra. Vicki Belo kaya nananatiling malusog at malakas ang kaniyang pangangatawan

Sa edad na 64 years old ay nananatili pa ring fit and healthy ang sikat na celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo-Kho. Kung titignan ay hindi mo maiisip na nasa edad na 64 na ito dahil napakalakas pa niya at napaka young looking ng kaniyang skin.

Image Courtesy: Instagram/victoria_belo



Marami ang nagtatanong kung ano nga ba ang sikreto nito kung bakit fit na fit pa rin ito hanggang ngayon kaya naman naibahagi ni Dra. Vicki ang kaniyang routine upang mapanatili ang kaniyang pangangatawan.

Image Courtesy: Instagram/victoria_belo

Bukod sa pagdidiyeta at pagkain ng mga healthy food ay isang routine na ginagawa ni Dra. Vicki Belo ay ang kaniyang mga workouts na beneficial hindi lamang para sa kaniyang body kung hindi pati na rin sa kaniyang mental health.

“People always ask me what I think the best workout Is. I think it’s [bikram yoga].” caption nito sa kaniyang Instagram post habang naka yoga pose ito sa kaniyang litrato.

Image Courtesy: Instagram/victoria_belo

Ang Bikram yoga o hot yoga na tinatawag nila ay isang exercise kung saan mayroon itong 26 yoga postures and dalawang breathing exercise na kinakailangan na gawin ito sa loob ng 90 minutes sa isang heated room upang mailabas ang toxins sa katawan.

Para kay Dra. Vicki epektibo ang Bikram Yoga sa kaniya dahil nakakatulong ito upang madevelop ang kaniyang strength, balance at flexibility ng kaniyang katawan.

Image Courtesy: Instagram/victoria_belo
Image Courtesy: Instagram/victoria_belo

Halos sampung taon na itong ginagawa ni Dra. Vicki kaya niya napanatili ang kaniyang fit na pangangatawan. Sa pagkakaroon ng hectic schedule dahil sa kaniyang profession, nananatili pa rin na maaliwalas ang mukha nito dahil stress-free siya sa tuwing nag-yoyoga.

Image Courtesy: Instagram/victoria_belo

“It detoxifies, develops strength, balance, flexibility, and tone. It also helps me lose weight and sleep better. Been doing it for 10 years and my body looks for it.” pahuling caption nito sa kaniyang Instagram post.

Ayon din sa mga eksperto, ang Bikram Yoga ay nakakatulong upang makapag-heal ng iba’t ibang problema sa buto.

Image Courtesy: Instagram/victoria_belo
Image Courtesy: Instagram/victoria_belo



Kaya naman sa edad na 64 ay talaga namang hot momma pa rin ito kung saan makikita na minsan ay kaya pa niyang buhat-buhatin ang kaniyang bunsong anak na si Scarlet.

Image Courtesy: Instagram/victoria_belo

Love your workout, Dra. Vicki! Keep it up!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *