Anthony Taberna, pinasalamatan ang mga manggagawa na naghahatid serbisyo sa mga tao sa panahon ng quarantine

Ang mga Drivers, Basurero, Janitors, Kusinero at iba pang minimum wage earners na kadalasan na minamaliit ang trabaho ay siyang pinasasalamatan ngayon ng  karamihan dahil sa kanilang napakalaking tulong sa ating mga kapwa lalo na ngayong panahon ng quarantine.

Sabi nga nila hindi mabubuo ang isang community kung wala ang mga ito sa ating lipunan. Ang akala nating mga basurero, janitors o drivers lamang ay siya palang isa sa pinaka importanteng trabaho sa isang komunidad kung saan ngayon lamang napag tutuunan ng pansin ng mga tao.

Image Courtesy: Instagram/iamtunying28



Image Courtesy: Instagram/iamtunying28

Katulad na lamang ng newscaster na si Anthony Taberna na kamakailan lamang ay nagbigay ng isang touching na mensahe para sa mga minimum wage earners na ito sa ating lipunan.

Mayroong maliit na panaderya o bakery si Anthony Taberna bilang isa sa kaniyang mga negosyo, subalit ngayong panahon ng Quarantine ay bukas pa rin ang tindahan nito dahil kabilang ito sa mga negosyo na bukas dahil sila ay naghahatid ng produksyon ng pagkain sa mga tao. Isa itong necessity sa ating community kaya naman bukas pa rin ang kanilang bakery at matapang na nagtatrabaho ang kaniyang mga panadero kahit na risky ito para sakanila.

Image Courtesy: Instagram/iamtunying28

“Sila ang tinatawag na skeletal force sa KaTunying’s Bakery. May mga sariling pamilya rin pero di nila makasama dahil sa lockdown. Nakatira sila sa stafff house ilang metro lang ang layo sa pagawaan ng tinapay. Pero ang kanilang pamilya tulad din ng iba pang mga nasa sektor ng food preparation ay sa video call, text or audiocall na lamang nila nakakapiling…”

Image Courtesy: Instagram/iamtunying28



Image Courtesy: Instagram/iamtunying28

Sa mensahe ni Anthony, laking pasasalamat niya sa kaniyang mga panadero at sa mga iba pang mga nagtatrabaho ngayong quarantine dahil sa kanilang serbisyo sa mga tao.  Hindi exempted ang ilang mga empleyadong ito sa trabaho dahil kinailangan sila ng ating lipunan at gobyerno na ipagpatuloy pa rin ang trabaho dahil kinakailangan ng tao ang mga basic services na ito.

Image Courtesy: Instagram/iamtunying28

Ayon kay Anthony, hindi makapiling ng kaniyang mga panadero ang kanilang mga pamilya dahil kinakailangan nilang pumasok sa trabaho dahil kabilang ang bakery sa produksyon ng pagkain na kinakailagan mag-operate upang may mabilhan ng pagkain ang mga tao.

“Si Chef Denmark ay andun sa Kalookan ang pamilya, si Chef Ronald ay andun sa Pangasinan, si Dixon aka Dodong ay andun sa Nueva Ecija at si Edmond ay nasa probinsya rin ang mahal sa buhay. Hindi sila katulad ng mga frontliners na medical workers… Subalit tulad din ng mga nasa frontline, ang mga gaya nilang panadero, kusinero, drivers, pahinante, guwardiya, basurero, technician, telco at iba pa na pumapasok pa rin sa trabaho ay mayroong ding malaking sakripisyo.”

Kaya Big thanks sa mga pangkaraniwang manggagawa na ito na kabilang din sa mga frontliners dahil sila ang naghahatid ng serbisyo sa atin upang tayo ay makapag quarantine with comfort.

Image Courtesy: Instagram/iamtunying28
Image Courtesy: Instagram/iamtunying28

“Ang serbisyo nila ay lubhang napakahalaga mula sa produksyon ng pagkain, sa pagbibiyahe nito, sa pagpapanatili ng kalinisan,  pagbabantay sa seguridad, para sa may supply ng kuryente sa bawat tahanan, para may signal ang internet para makapagtiktok tayo at makapanood ng netflix. Salamat sa inyo mga pangkaraniwang manggagawa. Bayani rin kayo sa gitna ng krisis.”

Image Courtesy: Instagram/iamtunying28

Nawa’y matulungan rin sila ng ating lipunan na bigyan ng sapat ng sahod lalo na sa panahon na ito na kinailangan nilang magtrabaho. Saludo kami sa inyo!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *