Ipinaghanda ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes ng kanilang espesyal na menudo ang mga frontliners sa QC hospital

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging matulungin sa kapwa. Hindi alintana sa atin kung sila man ay kamag-anak natin o hindi, ang mahalaga, sa oras ng pangangailangan at sakuna ay matutulungan at natutulungan natin sila.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram



Kaya naman, ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa mga magigiting at masisipag na mga frontliner ng ating bansa sa pamamagitan ng paghahanda sa kanila ng mga naka-pack na pagkain.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Sa pamamagitan ng paghahanda ng pagkain, ipinakita ng Kapuso celebrity couple kung gaano nila pinahahalagahan ang mga pagsisikap ng ating mga frontliners sa pamamagitan ng pagluluto at paghahanda ng specialty ni Marian, ang menudo.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Sa Instagram, ipinakita ng mag-asawa kung paano nagluto si Marian ng menudo. Samantalang si Dingdong ay tumulong sa pag-pack ng mga ito para maipadala sa mga health worker ng Quezon City General Hospital.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Ipinahayag ni Dingdong Dantes ang kanyang buong pusong pasasalamat sa mga frontliners ng ating bansa, “Maraming salamat sa inyong dedikasyon para sa kaligtasan naming lahat. Panalangin namin ang inyong kalakasan habang kinakaharap at tinatalo natin ang krisis na ito.”

Ibinahagi din ni Marian kung gaano kaspecial ang kanyang menudo at nararapat lamang na lutuin niya ito para sa mga bayani ng ating bansa.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram



Ipinahayag rin ni Marian ang kanyang saluobin sa pamamagitan ng sulat, “Mga tungkulin sa kusina para sa aming mahal na mga frontliner sa Quezon City General Hospital ngayon na sobrang nagsasakripisyo para sa amin. Ang hapunan ngayong gabi para sa kanila ay ang specialty ng aming pamilya – Menudo – isang resipe na ipinasa ng aking nanay.”

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Sa bawat isa sa mga pack ng pagkain, isinulat ni Marian kung paano nila pinahahalagahan ang mga masigasig at dakilang gawain na ipinapakita ng mga frontliners para sa ating bansa. Narito ang kanyang taos pusong pasasalamat na isinulat sa packaging na nakalagay sa bawat pack ng pagkain, “Pinupuri namin kayo sa inyong napakadakilang serbisyo! Maraming Salamat.”

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Nauna nang nagbahagi si Dingdong ng isang mahabang mensahe na humihikayat sa publiko na makipagtulungan at magtulungan upang matigil ang paglala ng krisis. Bahagi ng kanyang pahayag ay isang tawag para sa panalangin para sa mga matapang na frontliner na tinawag niyang “modernong bayani.”

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Narito ang ipinahayag at isinulat ni Dingdong Dantes, “Nananawagan ako sa aking mga kapwa Pilipino na magkaisa at mas lalo pang tibayan ang pananalig at pagdarasal para sa ating lahat lalung- lalo na sa ating mga magigiting na mga #frontlinersPH— para sa ating mga modernong bayani ang labang ito katulad ay hindi madali sa ating mga medical professionals, emergency responders, mga pulis at sundalo, empleyado ng service industry,at media.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *