Ang bibong bata na si Yorme ay kinatuwaan at hinangaan na naman ng mga netizens dahil sa kaniyang pamamahagi ng relief goods

Sino ba ang hindi nakakakilala sa makulet at bibong Munting Yorme ng Bagac, Bataan?
Natatandaan niyo paba ang bibong bata na kamakailan ay nagtrending online, at naging guest sa programa ni Vice Ganda na “Gandang Gabi Vice” at nakapanayam ang magaling at gwapong Mayor ng MANILA na si Mayor Isko Moreno?



Ang batang Yorme ng Bagac, Bataan ay si Aaron Sunga, ang batang nasa trending video at guest sa programang Gandang Gabi Vice, na makikitaan sa murang edad at pag-iisip ay balak ng pasukin ang mundo ng pulitika. Ang kanyang online video na nagtrending at napagkatuwaan ang naging daan para siya ay mapabilang sa programang “It’s Showtime” ng Kapamilya network.

Ang bibo at makulet na batang ito ang isa sa mga nagpapasaya sa noontime show ng Kapamilya network na It’s Showtime. Makikita at maririnig natin na sa bawat sagot niya at pahayag ay may planong pagsilbihan ang mga tao at ang bayan.

Sa isang Facebook post, ay muli na namang napahanga ang maraming mga netizens at madlang pipol sa magandang nagawa ni Aaron na si Yorme.

Sa larawang ipinost ni Edward Villasan noong Abril 2, 2020 ay makikita ang batang si Yorme na namimigay ng relief goods. Ang nasabing larawan ay may caption na, “Heto yung YORME ko partida di pa nakaupo yan paano pag nakaupo na yan sementado na yung dagat” at may nakalagay pa na laughing out loud emoticon.



Ang nasabing post ay agad na nagtrending online na umabot na ng mahigit 50K na ang nagreacts at mahigit 90K shares. Dahil sa magandang ipinakitang gawain, ang munting Yorme ay pinuri ng mga netizens.

Narito ang ilan sa mga comments ng mga netizens:

“Sana hindi na magbago ang pangarap ng batang iyan paglaki nya masesemento na yong dagat hehehe para di na mahirap mag biyahe sa barko papuntang Cebu”

“Nakakaproud ka naman yorme bata kapa pero pinaninindigan mo ng isa kang yorme”

“Good job yorme! Ang sipag mo talaga.”

Kaya naman, kung makikita natin, hindi lang may posisyon o katungkulan sa gobyerno, may edad at mayayaman ang pwedeng tumulong at maghatid ng mga pangangailangan sa bawat mamamayang nangangailangan ng tulong.

Lahat tayo ay pwedeng tumulong. At sa ipinakitang pagbibigay ng tulong ni Aaron, ay nakakataba ng puso sa bawat tao na sa murang edad ay naisip ng tumulong sa kanyang kapwa.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *