Jinkee Pacquiao ipinakita ang kanilang Mansion sa Makati kung saan sila kasalukuyang stay-at-home

Dahil napupuno na ng negativity ang social media ngayon dahil sa krisis na ating kinahaharap sa panahon na ito, ang ilang netizens ay nililibang na lamang ang sarili sa pagbahagi o pag-spread ng positivity sa kanilang mga social media accounts.

Image Courtesy: Jinkeepacquiao/instagram



Kagaya na lamang ni Jinkee Pacquiao na madalas magpost sa kaniyang Instagram Account tungkol sa kanilang pinagkaka-abalahan ngayong panahon ng quarantine.

Image Courtesy: Jinkeepacquiao/instagram

Upang malibang ang kaniyang sarili ay madalas siyang magpost ng loob ng kanilang mansion sa Makati kung saan sila kasalukuyang nakatira ngayong quarantine.

Image Courtesy: Jinkeepacquiao/instagram
Image Courtesy: Jinkeepacquiao/instagram

Kahit papaano ay blessed at thankful pa rin si Jinkee dahil safe ang kaniyang pamilya ngayon. Upang hindi ma-bored sa kanilang sarili ay nagbahagi din ito ng ilang videos sa kaniyang vlog kung saan tinuturuan niyang magluto ang kaniyang mga anak ng kanilang paboritong kakanin noon as GenSan.

Image Courtesy: Jinkeepacquiao/instagram

Katulad ng iba ay wala rin magawa ito kaya naman madalas na lamang niyang picturan ang itsura ng kanilang bahay at ikutin ang kwarto ng kaniyang mga anak upang makaiwas sa boredom.

Image Courtesy: Jinkeepacquiao/instagram



Sa katunayan, miss na miss na raw nito ang bahay nila sa GenSan dahil para kay Jinkee ay masarap ang buhay probinsya dahil na rin sa mga simpleng pagkain roon.

Ipinakita ni Jinkee ang ilang litrato ng kanilang Mansion sa Makati kung saan makikita ang napaka garang living room at Dining area kung saan madalas sila mag bonding kasama ang kanilang mga anak ngayong quarantine.

Image Courtesy: Jinkeepacquiao/instagram
Image Courtesy: Jinkeepacquiao/instagram
Image Courtesy: Jinkeepacquiao/instagram

Mayroon silang dining area kung saan dito sila madalas maghapunan kasabay ang mga anak. Habang tuwing umaga naman ay nauuna kung minsan kumain ng almusal ang kanilang mga anak sa kanilang kitchen area dahil late na raw magising sina Jinkee ngayong quarantine.

Image Courtesy: Jinkeepacquiao/instagram
Image Courtesy: Jinkeepacquiao/instagram

Isang nakakatuwa rin sa pamilya ito ay ang pagiging close nila sa isa’t isa maging kina Jinkee at Manny kung saan kadalasan din silang nasa videos ng kanilang anak na si Princess para sa kaniyang Vlog.

Image Courtesy: Jinkeepacquiao/instagram



Image Courtesy: Jinkeepacquiao/instagram

Noong isang araw ay ibinahagi rin nito ang isang litrato kung saan tinuturuan niyang maglaba ang kaniyang dalawang babaeng anak sa labas ng kanilang swimming pool area dahil nais raw matuto ng mga ito kung paano maglaba.

Image Courtesy: Jinkeepacquiao/instagram
Image Courtesy: Jinkeepacquiao/instagram

Sa ngayon ay nananatili muna sila sa kanilang mansion sa Makati upang makaiwas sa C-o- v!d 19. Kahit na namimiss ni Jinkee ang kanilang bahay sa GenSan ay nililibang na lamang niya ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagdadasal ngayong panahon ng sakuna.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *