Rodjun Cruz at Dianne Medina, masayang ibinalita na apat na buwan nang nagdadalang-tao na Ito sa kanilang first baby

Tila ba parang happily ever after na ang buhay ngayon nina Rodjun Cruz at Dianne Medina matapos nilang maipatayo ang kanilang dream house at makasal sa isa’t isa matapos ang halos dalawang taon na paghahanda at sampung taon na mag ka-relasyon.

Image courtesy: Dianne_medina/instagram



All is well na nga ang kanilang buhay ngayon dahil sila ay nakatira na sa kanilang pinaghirapan na bagong bahay habang ine-enjoy ang married life.

Image courtesy: Dianne_medina/instagram

Nadagdagan pa ang kanilang excitement ng malaman ng aktres na si Dianne Medina na kasalukuyan niyang ipinagbubuntis ang kanilang first baby ni Rodjun matapos ang buwan ng kanilang kasal.

Image courtesy: rodjuncruz/instagram



Sa instagram account ng aktres, araw ng Easter Sunday nang ibinahagi niya sa isang post ang isang magandang balita na magkakaroon na ito ng maliit na pamilya kay Rodjun at na nasa ika-17 week pregnancy na ito.

“Easter is all about celebration of New Life, Today, as we celebrate the resurrection of our Lord Jesus Christ, we are also celebrating this gift of NEW LIFE inside me! We are immensely happy to announce that Rj and I are expecting! I’m 17 weeks pregnant! We couldn’t be more thankful to our God for blessing us this baby on the way, and we thought it’s just fitting to share this with you all on Easter Sunday…”

Image courtesy: Dianne_medina/instagram

Hindi napigilan ng dalawa na ibahagi ang kanilang growing family sa kanilang mga fans dahil excited sila para sa kanilang first baby. Sa araw mismo ng Easter Sunday ibinalita ni Diane na siya ay expectant mother na dahil sobrang thankful raw ito at biniyayaan sila ng isang buhay na magpapasaya sa kanilang dalawa ni Rodjun.

Image courtesy: rodjuncruz/instagram

“Even if we are in this dire situation, we can hope for a brighter future ahead because Jesus has risen, and this is the bedrock of our faith. Please pray together with us on this journey. Godbless and protects us all! Happy Easter! Thank you Lord! So happy!”, caption ng aktres sa kaniyang Instagram account.

Image courtesy: Dianne_medina/instagram



Hindi muna raw nila ito ibinalita noon dahil nais nilang makasigurado na safe ang kanilang baby. Alam nilang maselan at risky ang first trimester kaya ingat na ingat si Diane sa mga panahon na ito.

Ibinahagi din nila ang balita na ito sa isang vlog ni Diane na pinangalanan niyang “Answered prayer” dahil nabuo raw ang kanilang firstborn matapos ang kanilang kasal. Ito raw ay kanilang honeymoon baby at matagal ng pinapangarap ng aktres na siya ay biyayaan ng Panginoon.

Image courtesy: Dianne_medina/instagram

Kaya isa itong dream come true para sa aktres kaya naman masaya niya itong ibinahagi sa lahat upang magbigay ng positivity at faith sa mga tao na hindi tayo pababayaan ng Panginoon at mayroong little miracles pa rin na ipinapakit ang Diyos sa atin lalo na sa panahon ngayon.

Hiling ng mag-asawa na isali sila sa inyong prayers upang maging safe ang aktres at ang kanilang firstborn.

Congrats Diane and Rodjun! Road to Happy ever after talaga!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *