Ipinaghanda ni Ivana Alawi ng relief goods ang mga taong nangangailangan sa gitna ng pagsubok na kinakaharap ng ating bansa

Sa kinakaharap na pagsubok ng ating bansa, mayaman o mahirap, may pera o wala, nasa posisyon o hindi, pwede kang tumulong maibsan ang pangamba ng bawat mamamayan. Hindi ka man makakatulong makapagbigay ng relief goods o pera, pero sa simpleng pagsunod sa ordinansa na ipinapatupad ng ating gobyerno, malaki na ang naitutulong mo.

Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram



Magpasalamat din tayo na may mga taong tumutulong sa bawat isa na handang isakripisyo maging buhay man nila, pera at pagod. Isa na rito ang maganda at kilalang vlogger na si Ivana Alawi. Isa sa mga kasama sa dumaraming bilang ng mga kilalang tao na nagsasagawa ng hakbang upang maabot at mabigyan ng tulong ang mga taong nangangailangan.

Sa gitna ng patuloy na krisis sa kalusugan na kinakaharap nating lahat sa pamamagitan ng pagkalat ng epidemya, marami ang hindi kayang magbulag-bulagan sa mga labis na naapektuhan nito. Si Ivana ay isa sa mga kilalang tao na nakinig sa tawag na tulungan at abutin ang mga taong nangangailangan ng pagkain.

Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram

Ibinahagi ng aktres sa kanyang Facebook kung paano siya at ang kanyang pamilya ay nag-impake ng mga bag ng mga relief goods para ipamahagi. Sabi niya, “ Wag niyo ng tingnan ang itsura namin. Pagpasenyahan niyo na at madaling araw na kami nakatapos mag pack ng mga relief goods na ipamimigay sa aming mga kababayang nangangailangan ng tulong.”

Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram



Hinikayat din ni Ivana ang iba na ipaabot ang kanilang tulong, malaki man o maliit para sa mga taong nangangailangan. Narito ang panawagan ni Ivana, “Hinihikayat ko ang lahat na tumulong – maliit man o Malaki, ang pinakamahalagang bagay ay nakatulong ka sa kapwa mo na nangangailangan ng tulong.”

Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram

Marami sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta ang pumuri sa aktres dahil sa kanyang ipinakitang pagdamay at pagkabukas-palad. Marami ang humanga sa paglaan niya ng oras at pag-aalaga sa iba.
Isang tagahanga ni Ivana ang sumulat, “Kaya maraming tao ang nagmamahal at sumusuporta sayo. Isa kang magandang huwaran ng lahat. Hinahangan kita Ivana.”

Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram

Isa rin niyang tagahanga ang nagsabi, “Mahal kita Ivana! Isa kang mabait na tao pareho kayo ni Angel Locsin, mabigyan man kami o hindi ng tulong mo, gayun pa man ay nagpapasalamat parin ako sa kabaitan mo. Salamat at God bless.”

Bukod kay Ivana, ang iba pang mga kilalang tao na nagbahagi ng kanilang mga biyaya at tulong sa iba ay sina Bela Padilla, Heart Evangelista, Alex Gonzaga at marami pang iba.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *