Jimuel Pacquiao ibinahagi ang ilan sa mga bonding moments nilang pamilya at pinaalalahanan ang mga Pilipino na manatiling ligtas

Nagbahagi si Jimuel ng mga bidyo ng sayaw kasama ang pamilya at bidyo ng pag eensayo ng boksing kasama ang ama na si Manny. Pag-aalala para sa mga Pilipino tulad ng pag aalala ng kanyang ama. Si Jimuel Pacquiao na anak ng senador na si Manny Pacquiao na isa ding modelo at vlogger ay pinaalalahan ang mga kapwa Pilipino na manatiling ligtas sa oras ng krisis na kinakaharap at natatamong natin ngayon.

Image courtesy: Jimuel Pacquiao/Youtube



Nagbahagi rin ito ng mga bidyo na magkakasama silang buong pamilya na sumasayaw at bidyo din ng kanyang pag eensayo kasama ang boksingerong ama.

Image courtesy: Jimuel Pacquiao/Youtube

Nakalagay sa kanyang video blog ang mga sumusunod na caption “What’s up, guys! Inaasahan ko na lahat kayo ay manatiling ligtas sa mga oras na ito. Sa kadahilanang nasa ilalim ang buong Luzon sa ECQ. Dahil din dito nagawa naming magbonding ng aming pamilya. Narito ang ibang mga masasayang gawain na ginawa namin.”

Image courtesy: Jimuel Pacquiao/Youtube

Kasama din na nakapaloob sa nasabing bidyo ay patungkol sa pasasalamat ni Jimuel sa mga health workers at frontliners na buong nagsusumikap sa pagharap sa nasabing krisis na nararanasan ngayon.

Image courtesy: Jimuel Pacquiao/Youtube

Ang mga aktibidades na ginawa ng pamilyang Pacquiao na kinabibilangan ng isang laro na sayaw kasama ang kanyang tatlong kapatid at ang kanyang ina na si Jinkee. Isa sa mga mababasa sa video na teksto ”makikita niyo naman kung gaano kasaya ang aming Ina”

Image courtesy: Jimuel Pacquiao/Youtube

Samantalang ang pambansang kamao na senador na si Manny Pacquiao ay ang kumukuha ng bidyo ng kanyang pamilya habang ginagawa ang pagsayaw na sumusunod sa steps ng kanta ni Shakira na Waka Waka at Luis Fonsi na Despacito sa kanilang telibisyon.

Image courtesy: Jimuel Pacquiao/Youtube



Pagkatapos nito si Jimuel ay nagbahagi din ng video ng pag eensayo kasama ang kanyang ama, maririnig sa bidyo ang pag palakpak ng kanyang ina na si Jinkee. Ang buong pamilya din ng Pacquiao ay sumailalim din sa pag ehersisyo at pagkatapos ay nagkaroon ng masaya at salo-salong hapunan ang pamilya.

Image courtesy: Jimuel Pacquiao/Youtube
Image courtesy: Jimuel Pacquiao/Youtube

Ayon sa Manila Standard, nanatiling ibinubukod ni Manny ang kanyang sarili sa kanyang pamilya kahit na lumabas na negatibo gamit ang Rapid Testing Kits na natanggap niya sa kanyang kaibigan sa South Korea. Ang nasabing Kit na ginamit ni manny ay hindi pa aprobado ng FDA.

Image courtesy: Jimuel Pacquiao/Youtube



Ang pambansang kamao at Senador na si Manny Pacquiao ay nagsimulang mag home quarantine noong Marso 23 matapos hilingin umano ito sa kanya ng kanilang Barangay Captain sa Damariñas sa kadahinalanang nakahalubilo niya ang ibang mga mambabatas at ibang sikat na tao na nag positibo.

Image courtesy: Jimuel Pacquiao/Youtube

Sa kabila ng kanyang pagkasabik na pumunta sa pag turn over ng 57,600 test kits na galing sa kanyang kaibigan na Chinese na bilyonaryo na si Jack Ma, nag desisyon umano ito na manatili na lamang sa kanyang tahanan. Aniya, handa sakong sumailalim sa isa pang test subalit meron pang ibang mga tao na mas kailangan nito kaysa sa akin.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *