Kris Bernal nagbahagi sa mga netizens ng ECQ to-do-list upang makaiwas sa pagkainip sa tahanan

Halos mag dadalawang buwan ng naka community quarantine ang NCR Region kaya naman hindi mapigilan ng ibang netizens ang ma-bored sa kani-kanilang mga bahay lalo na at walang ibang pwedeng pasyalan ngayon.



Kagaya ng mga artista ay sila rin ay naiinip na sa kanilang bahay kaya naman kung ano-anong hobby na ang kanilang ginagawa katulad na lang ng pageexperiment sa pagluto o paglilinis ng bahay. Kaya naman nakaisip ang aktres na si Kris Bernal ng ilang to-do-list na kaniyang ibinahagi sa mga netizens upang hindi mainip at magkaroon ng libangan ngayong panahon ng lockdown.

Image courtesy: Instagram/krisbernal

Kaniyang ibinahagi sa isang Instagram post ang kasalukuyan nitong to-do-list at libangan ngayon upang hindi ito mainip at hindi masayang ang kaniyang araw.

Image courtesy: Instagram/krisbernal

“ECQ TP-DO-LIST:

  1. Clean the house
  2. Start the passion project you’ve been wanting to do
  3. Cook healthy and delicious foods
  4. Learn a new skill (Me: graphic designing and video editing)
  5. Enhance your skill by enrolling to free online courses or watch webinars(Me: online course on entrepreneurship)
  6. Allot a time for answering emails, inquiries, and other work from home tasks 
  7. Start a workout routine
  8. Limit your Netflix binge (Me: 1 episode a day kaya hindi ko matapos-tapos ang #CLOY)
  9. Watch some vlogs that entertain you
  10. Read several good books
  11. Declutter your phone, room or entire house
  12. Watch/Read news and stay informed
  13. Donate Online
  14. Feed a stray animal
  15. Chat with friends or loved ones
  16. Catch up on some family time
  17. Keep up with your skin care routines
  18. Sleep and get some rest
  19. Open your bible and read verses
  20. Pray




Feel really good, productive, less stressed and BEAUTIFUL!”, caption ng aktres sa kaniyang Instagram post.

Image courtesy: Instagram/krisbernal

Makikita rin sa kaniyang Instagram account na madalas itong mag-workout ngayon upang mapanatili niya ang kaniyang magandang hubog ng katawan. Nagkaroon rin ito ng Live workout session para sa kaniyang mga followers kung nais nilang sumabay at gayahin ang kaniyang workout routined upang ma-achieve ang hot body goals katulad niya.

Image courtesy: Instagram/krisbernal

Payo rin ni Kris Bernal na importante ang pagiging productive ngayon lalo na at wala naman tayong ibang priorities na kailangan gawin ngayon. Kaya naman kasalukuyan itong pre-occupied dahil bukod sa workout routine nito ay nagwowork from home pa rin siya gamit through online.

Image courtesy: Instagram/krisbernal
Image courtesy: Instagram/krisbernal
Image courtesy: Instagram/krisbernal

Pare-parehas lamang tayong mga netizens na naiinip na sa ating mga bahay kaya naman importante pa rin na mag-isip ng mga bagay na pwede nating gawin upang malibang at makaiwas sa paglabas sa ating mga tahanan. Matatapos rin ang lahat ng kahirapan at sakuna na hinaharap natin ngayon. Godbless to all at Stay Safe!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *