Tinuruan ng mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao ang kanilang mga anak ng wastong paglalaba ng mga damit

Hindi lahat ng mga mayayaman at may kayang pamilya ay ipinapaubaya ang gawaing bahay sa kanilang mga kasambahay. Gawin nating makabuluhan ang community quarantine. Maraming pwedeng gawin ang buong mag-anak kahit nasa bahay lang na ikakasaya at matututunan ng bawat miyembro lalo na ng mga anak.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram



Kagaya nalang ng mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao na ginawang makabuluhan at kapakipakinabang ang kanilang mga oras para sa kanilang mga anak ngayong quarantine upang turuan ang kanilang mga anak ng mga ilang gawaing bahay.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Jinkee na pinayuhan nilang mag-asawa ang kanilang mga anak na babae na sina Mary at Queenie sa kung papaano gawin ang paglalaba.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Narito ang ibinahagi ni Jinkee, “Ginawa naming mag-asawa na makabuluhan ang quarantine namin kasama ang aming mga anak. Ang mga babae naming anak ay tinuruan namin kung paano maglaba.



Masaya kaming mag-asawa dahil gusto nilang matutong maglaba at masaya kami dahil masunurin sila at nakikinig sa itinuturo naming mag-asawa. Sa Youtube channel po makikita niyo ang video. #manatilisabahay #manatilingligtas #Godisgood.”

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Ang pamilyang Pacquiao ay nagbabahagi ng kanilang mga kaganapan at mga nangyayari sa kanilang buhay sa panahon ng quarantine na makikita at mapapanood natin sa YouTube at iba pang mga platform ng social media kamakailan.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Sino naman ang hindi mapapahanga sa ipinakita ng mag-asawa gayun na din ang ginawa ng kanilang mga anak. Kaya naman mabilis na pinuri ng mga netizen ang mag-asawa dahil sa pagsali sa kanilang mga anak upang turuan ang mga ito sa paggawa ng mga gawaing bahay.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Makikita natin na maganda ang paraan ng pagpapalaki ng mag-asawang Pacquiao sa kanilang mga anak.

Narito ang mga comment ng mga ilang netizens:

“Nice one. Role model para sa mga kahanga-hangang mga bata,” sabi ng isang netizen.
“Ito ay sobrang tama! Proud ako sa ginawa ng mag-asawa! Napakaganda ng naisip nila,” komento pa ng isang netizen.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *