Zeus Collins, sa tahanan ng kaniyang kasintahan namalagi sa panahon ng lockdown

Si Zeus Collins ay ipinanganak noong Marso 19, 1993, siya ay 26 taong gulang. Isang mananayaw at komersyal na modelo mula sa Rizal. Siya ay kilala at nakilala sa kanyang panahon noon sa Pinoy Big Brother: siya ay pang 737 sa mga sumali noong 2015. Matapos sumali sa nasabing show, siya ay pinalabas sa bahay sa pang 133 na araw ng show.

Image courtesy: Zeus Collins/InstagramDahil sa naranasan at nararanasan ng bansang Pilipanas ngayon, ang hunk dancer na si Zeus Collins ay hindi na makakauwi simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine, at ngayon siya ay nakatira sa bahay ni Pauline, ang kanyang non-showbiz girlfriend. Sa kabilang banda, ang magkasintahan ay sinusulit ang masasayang sandali na magkasama.



Image courtesy: Zeus Collins/Instagram

Para maiwasan ni Zeus ang nakakainip na sandali, tinulungan niya ang pamilya ni Pauline sa pagre-repaint ng kanilang bahay. Ang mga masasayang sandali ay ibinahagi sa pamamagitan ng isang bidyo kung saan makikitang sumasayaw si Zeus habang nagpipintura.

Image courtesy: Zeus Collins/Instagram

Maliban dito, ang magkasintahang Zeus at Pauline ay makikitang sweet na sweet kahit na sila ay puno na ng mga pintura at pawis. Sobrang nakakainggit ang dalawa.

Image courtesy: Zeus Collins/Instagram



Isa pang video ang nakakuha ng puso ng mga tagahanga at tagasuporta ni Zeus. Ipinapakita dito na isa sa mga miyembro ng Hashtag. Napapaloob sa nasabing video, kung saan ang miyembro ng hashtag na si Zeus ay nagpapakita ng ilang mga moves sa kanyang kasintahan.

Image courtesy: Zeus Collins/Instagram

Sinabi sa mga caption, ang kanyang kasintahan na si Pauline ay hindi isang mananayaw ngunit kapag pinatugtog mo ang kanyang paboritong kanta, sasayaw siya.

Image courtesy: Zeus Collins/Instagram

Kung mapapansin niyo, si Pauline ay kabighani-bighani ang ganda kaya naman hindi maitatago kung bakit napaibig at nahulog sa kanya si Zeus. At kung titingnan, siya rin ay may kakayahang makapasa bilang isang tanyag o kilalang tao sa showbiz.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *