Napakalaking Real Estate Property ni John Estrada may sariling Golf Course at Glass Window House

Sino nga ba naman ang hindi makakalimot sa isang John Estrada na minsan ng nagpatawa satin noon lalo na ang mga batang 90’s dahil sa kaniyang tv shows at palabas kasama sina Randy Santiago at Willie Revillame. Tiyak na naaalala niyo pa siya hanggang ngayon kahit na hindi na ito gaano lumalabas sa ibang mga proyekto.

Alam niyo ba na isa si John Estrada na mayroong napakagandang buhay ngayon dahil bukod sa happily married ito kay Priscilla Meirelles ay mayroong itong napakalaking paradise-like real estate sa Dasmariñas Cavite kung saan sila madalas magbakasyon kasama ang kaniyang pamilya at maglaro ng golf kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Image Courtesy: Instagram/john_estrada



Image Courtesy: Instagram/john_estrada

Mula sa kanilang malalaking glass windows ay tanaw ang napakalawak na scenic view ng kanilang sariling golf-course.

Image Courtesy: Instagram/john_estrada

Ayon kay John, pinagpaguran niya ang lahat ng kaniyang naabot ngayon kaya naman sobrang blessed ito dahil sa kaniyang narating sa buhay.

Image Courtesy: Instagram/john_estrada

Isang magandang area sa kanilang bahay ay ang kanilang swimming pool kung saan nakaharap ito sa magandang tanawin ng kanilang golf-course. Dito madalas mag bonding si John at ang kaniyang anak na si Anechka dahil past time nito ang magswimming kasama ang kaniyang Daddy.

Image Courtesy: Instagram/john_estrada



Image Courtesy: Instagram/john_estrada

Kahit na hiwalay si John sa kaniyang dating asawa na si Janice de Belen ay madalas pa rin niyang nakakasama ang kaniyang apat na anak sa kanilang bahay sa Cavite.

Image Courtesy: Instagram/john_estrada

Isa pang napakagandang area ng kanilang bahay ay ang Master’s bedroom na covered with big glass windows kung saan kitang-kita rin ang view mula rito.

Image Courtesy: Instagram/john_estrada
Image Courtesy: Instagram/john_estrada

Mayroon rin itong sariling living room sa second floor ng kanilang mansion kung saan dito madalas magbonding ang pamilya kung wala silang bisita.

Image Courtesy: Instagram/john_estrada

Modern style ang kanilang bahay at minimalistic lamang ang disenyo kaya naman maraming open spaces ang mansion na ito kung saan mas lalong nakakaginhawa ang vibe nito dahil malinis at elegant ang mga kagamitan.

Image Courtesy: Instagram/john_estrada
Image Courtesy: Instagram/john_estrada

Dito madalas magbakasyon ang pamilya tuwing weekends dahil madalas mag-golf si John kasama ang mga kaibigan. Habang tuwing may pasok naman ang kaniyang anak ay nakatira sa kanilang bahay sa Taguig at umuuwi lamang sa Cavite upang mag-relax.

Image Courtesy: Instagram/john_estrada
Image Courtesy: Instagram/john_estrada

Talaga namang sobrang nakakainggit ang napakagandang estate property na ito ni John Estrada dahil bukod sa napakalaki ng bahay ay breathtaking rin ag view. Sino ba naman ang hindi mamamangha na mayroong sariling golf course ang bahay niyang ito? Bongga!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *