Magkasamang ipinagdiwang nang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay kasama ang Pamilya

Bawat pamilyang kristiyano ay may kanya-kanyang paraan para ipagdiwang ang linggo ng pasko ng pagkabuhay. Ang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay ay lalong naging makabuluhan sa taon na ito para sa buhay ni Sarah Geronimo bilang isang opisyal na miyembro ng clan ng Guidicelli sa kauna-unahang pagkakataon noong Abril 12.

Image courtesy: Matteo Guidecelli/Instagram



Ang ina ni Matteo na si Glenna ay nagbahagi ng mga larawan ng kanilang pamilya sa kanyang Instagram account na kung saan ay makikita natin si Sarah na masayang nagpipinta ng mga itlog ng easter at mayroong masarap na pagkain na nakahanda sa lamesa kasama ang kanyang asawang si Gianluca kasama pati na rin ang mga kapatid ni Matteo na sina Paolo at Giorgia at asawang si Ian.

Image courtesy: Matteo Guidecelli/Instagram

Kung saan ay nagpahayag din ng magandang balita ng parehong araw na kung saan ay inaasahan ang kanilang unang anak ngayong darating na Oktubre. Sa kanyang caption, sumulat ang nanay ni Matteo na si Glenna ng, “Maligayang Pasko ng Pagkabuhay para sa ating Lahat! Family is everything Godspeed”

Image courtesy: Matteo Guidecelli/Instagram

Kung inyong babalikan at sasariwain, sina Matteo at Sarah ay nagpakasal noong nakaraang Pebrero 20, sa Shangri-La at the Fort in Bonifacio Global City noong gabi ng Huwebes matapos na magkasama at magkasintahan nang mahigit sa anim na taon.

Image courtesy: Matteo Guidecelli/Instagram



Image courtesy: Matteo Guidecelli/Instagram

Kamakailan lang ang mag-asawang Matteo at Sarah ay nagpalitan online ng mga matatamis na mga salita para sa bawat isa noong nakaraang buwan, noong kaarawan ni Matteo, sinabi niya kay Sarah, “Sa bawat araw na daraan at lilipas ay papahalagahan kita habang buhay,” samantalang si Sarah naman ay ginamit ang account ng kanyang asawa kung saan nag-post siya ng isang mensahe sa kaarawan nito na tinukoy si Matteo bilang kanyang” mapagmahal at maalagang asawa.”

Image courtesy: Matteo Guidecelli/Instagram
Image courtesy: Matteo Guidecelli/Instagram

Ang kaligayahan na natatamasa ngayon ni Sarah ngayong siya’y mayroon nang kalayaan sa kaniyang mga nais gawin ay makikita sa kaniyang katauhan ngayon na unti-unti na siyang nabubuo bilang isang independent na binibini.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *