Ibinahagi ni Maxene Magalona na naabutan sila ng lockdown sa mala-paraisong lugar ng Bali, Indonesia

Bago magkarooon ng outbreak nang dahil sa c0v!d 19 na kung saan naging apektado rin dito ang Pilipinas dahil dumami ang mga kaso sa Maynila, naka-set na ang pag-alis ni Maxene Magalona papuntang Bali Indonesia para sa isang Teacher training kasama ang kaniyang asawa.

Image Courtesy: Instagram/maxenemagalona



Image Courtesy: Instagram/maxenemagalona

Ayon sa aktres, bago pa mangyari ang lahat ng krisis ngayon ay nakapagbook na sila ng kaniyang asawa papunta Bali Indonesia. Kaya naman itinuloy nila ang kanilang lakad papunta roon at doon na lamang nila nalaman kung gaano na kalala ang kalagayan ng ating mga kababayan sa Maynila.

Image Courtesy: Instagram/maxenemagalona

Hindi na sila muling nakauwi pa ng Pilipinas dahil na rin sa itinalang ECQ kung saan walang makakapasok at makakalabas ng bansa na nagsimula noong March 15, 2020.

Kaya naman nanatili na lamang sina Maxene sa Bali habang sumasailalaim sa training para sa kaniyang body, mind and soul. Kilala ang Bali bilang isang top destination sa Asia dahil sa mala-paraisong ganda nito kung saan napapalibutan ito ng mga nagagandahang beach at nature. Kaya naman marami ang nag-ooffer ng yoga at meditation trainings para sa mga turistang nais mahanap ang kanilang inner peaceand healing.

Image Courtesy: Instagram/maxenemagalona
Image Courtesy: Instagram/maxenemagalona

Kagaya ni Maxene, nagpunta sila rito ng kaniyang asawa upang sumailalim sa training programs kung saan nakafocus ang training na ito sa yoga, meditation, eating clean, finding inner peace and healing. Ang ganitong training ay mabuti para sa kalusugan lalo na at healthy ang kanilang activities.



Image Courtesy: Instagram/maxenemagalona
Image Courtesy: Instagram/maxenemagalona

Ayon rito, hindi niya ineexpect na maeextend ang kanilang bakasyon kaya naman minabuti na lamang nito na tanggapin ang kanilang kalagayan na malayo sa kanilang pamilya dahil kahit papano ay mas safe sila dito sapagkat wala pang naitalang kaso ng c0v!d roon.

Image Courtesy: Instagram/maxenemagalona

Kwento ng aktres, nang nalaman niya na ma-extend ang kanilang stay sa Bali, agad itong naghanap ng kanilang matutuluyan kung saan nakahanap ito ng isang magandang bahay na malapit sa nature o eco-friendly ang tema.

Image Courtesy: Instagram/maxenemagalona

Kahit na nais nitong umuwi noon ay minabuti na lamang nito na manatili sa Bali at enjoyin na lamang ang kaniyang healthy lifestyle rito kasama ang asawa.

Image Courtesy: Instagram/maxenemagalona

Mayroon pa ring ilang mga stores at restaurants ang nakabukas roon kung saan maaari pa rin silang lumabas at mamili subalit ‘at their own risk’ na ang paglabas. Kaya naman sinisigurado ng dalawa na safe pa rin sila kaya lagi silang nakasuot ng kanilang mga facemask.

Image Courtesy: Instagram/maxenemagalona
Image Courtesy: Instagram/maxenemagalona

Marami ang nagsasabi na napaka swerte nito dahil sa isang magandang lugar siya na-stranded kung saan hindi pa ganoon kalaganap ang outbreak. Subalit ayon sa aktres, nag-aalala rin ito para sa kaniyang pamilya at sa mga Frontliners sa Pilipinas na nagri-risk ng kanilang buhay kaya naman minamabuti na lamang ni Maxene na ipagdasal sila.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *