Dimples Romana, binati sa kaarawan ang kaibigan na si Angel Locsin at ibinahagi kung gaano kabuti ito

Isa si Angel Locsin sa may pinakamabuting puso na aktres sa industriya ng showbusiness dahil na rin sa madalas nitong pagbibigay ng donasyon sa mga taong nangangailangan lalo na tuwing may hindi magandang pangyayari sa kaniyang bayan. Bukod pa doon, napakarami rin nitong naging matalik na kaibigan sa industriya dahil sa kaniyang mabuting puso, kabaitan at pagiging honest and loyal na kaibigan.

Image Courtesy: Instagram/therealangellocsin



Sa katunayan, isa si Dimples Romana sa mga matalik na kaibigan ni Angel Locsin na nagbahagi kung anong klaseng kaibigan ito sa harap at likod ng camera. Sa isang Instagram post, binati ni Dimples si Angel sa kaniyang kaarawan at ikinwento nito kung gaano kabait ang aktres.

Image Courtesy: Instagram/dimplesromana

“I remember this first photo very vividly dahil eto yung pumunta ka sa bahay kasi sabi mo, kailangan na namin magdate ng asawa ko kaya ikaw na muna kay Alonzo [Dimple’s son]. Umalis kami at naiwan ka sa bahay.

Image Courtesy: Instagram/dimplesromana

“Alam ng lahat kung gaano kita mahal. Sa tooo, sa pagkakaibigan natin, I never remember you are the super star that you are because not once did you ever make me feel inferior. You are always kind to everyone.”

Image Courtesy: Instagram/dimplesromana

“Hindi ka namimili, hindi ka nanghuhusga. Ang nakikita nila ngayon ay lahat ng pagtulong mo para sa napakaraming pamilya.”

Dagdag pa ni Dimples, kung nakikita lamang raw si Angel ng mga tao ay mas lalo pa nila itong mamahalin dahil lagi raw nasa isip ni Angel ay ang tumulong kung saan mas gusto raw nito na walang nakakaalam na tumutulong siya.

Image Courtesy: Instagram/dimplesromana



“If more people knew just how genuine and how loyal you are as a person, a friend, they will understand kung bakit ganun na lang ang pagmamalaki ko sayo. “

Image Courtesy: Instagram/therealangellocsin

Hiling ni Dimples na sa araw ng kaarawan ni Angel ay sana may sapat na pahinga raw ito, magkaroon ng maayos na tulog at makakain ito ng husto. Marami pa raw itong taon na gumawa ng mga memories kasama ang kaniyang asawa na si Neil Arce.

Image Courtesy: Instagram/therealangellocsin

Inalala rin ni Dimples ang isang pangyayari noon na kinailangan niyang dalhin ang kaniyang asawa na si Boyet sa ER subalit hindi pa ito makaalis sa taping. Kaya naman to the rescue si Angel kung saan siya raw mismo ang sumama para may kasama ang asawa ni Dimples sa ospital.

Image Courtesy: Instagram/therealangellocsin

“Galing akong taping, I met up with you sa ER and you were like that Angel that you truly are, being with us along the way. Hindi ka natulog kasi pinatulog mo ako dahil alam mong galing ako sa trabaho. You took care of Boyet, you took care of me.”

Image Courtesy: Instagram/therealangellocsin

Sa huli ay nagpasalamat si Dimples kay Angel dahil isa siyang tunay na kaibigan na masasandalan sa tuwing kinakailangan ng shoulder to cry on. Sobrang happy si Dimples na nakilala niya si Angel at naging matalik niya itong kaibigan dahil sobrang bait raw nito at mapagbigay sa iba.

Siya nga ang tunay na Darna dahil kinakaya niya ang lahat para sa kaniyang pamilya, kaibigan at sa mga taong nangangailangan. 

Happy Birthday Angel, Godbless!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *