Ipinagluto ni Ara Mina ng mga matatamis na pagkain tulad ng cakes at cupcakes ang mga frontliners

Hindi pera ang basehan ng pagtulong sa kapwa. Kahit sino pwedeng tumulong, kahit ano pwedeng itulong. Hindi lahat ng magigiting na mga frontliners natin, pera ang hinihinging kapalit ng matiyaga nilang pagbabantay at pag-aasikaso sa ating lahat ay masaya na sila.

Image courtesy: Ara Mina/Instagram



Malaking bagay at tulong na sa kanila ang mabigyan natin sila ng kahit kaunting efforts at maglaan ng kahit kaunting oras natin para makatulong at matulungan sila. Inihayag ng artista na si Ara Mina na siya ay gumawa ng mga cakes at cupcakes para sa mga frontliners.

Image courtesy: Ara Mina/Instagram
Image courtesy: Ara Mina/Instagram

Ipinadala niya ito sa mga on-duty na mga healthcare workers at sa mga kapulisang namamahala sa mga checkpoints. Nagsimula siyang magbigay o magpadala ng mga pastries sa mga frontliners mula pa noong unang Linggo ng quarantine.

Image courtesy: Ara Mina/Instagram



Ang aktor at negosyante na si Ara Mina ay ginamit ang kanyang galling at talent bilang isang pastry chef upang maging tulong at isang mapagkukunan ng motivation para sa iba’t ibang mga frontliners sa bansa.

Image courtesy: Ara Mina/Instagram

Sa pamamagitan ng pag-post ng mga mensahe ng pagpapahalaga at pagmamahal mula sa mga healthcare workers at mga opisyal ng pulisya, si Mina, na nagmamay-ari ng Hazelberry Café, ay ibinunyag sa kanyang Instagram noong Abril 14 na siya ay gumawa ng mga cakes at cupcakes para sa mga frontliners na nakatalaga sa Pasig, Pampanga, Quezon City, at Rizal.

Image courtesy: Ara Mina/Instagram

“Unang Linggo ng ECQ, nagawa kong magbaked ng ilang mga cupcakes, cakes at nagpadala kami ng mga pagkain para sa ating mga frontliners na nasa Pasig Doctors Medical Center, AFP Medical Center, Angeles Pampanga Police Station 5 (malapit sa Hazelberry sa Pampanga) pati na rin ang mga pulis at militar na nasa San Mateo, Rizal checkpoint, ” aniya.

Image courtesy: Ara Mina/Instagram

“Isang maliit na bagay lamang para sa ating mga bayani. Salamat sa ating mga frontliners,saludo kami sa inyo! ” Sinabi rin niya na sa pamamagitan ng pagluluto ng desserts para sa mga frontliners, layunin niya na kahit papaano ay tulungan silang makabawi at magkaroon ng lakas.

“Ako at ang aking partner ay nagawang mamahagi at mamigay ng ilang mga groceries para sa aming mga empleyado. Salamat sa Diyos sa pagbibigay. Malalampasan natin ang lahat ng ito sa pamamagitan ng ating pagtutulungan. Ibinibigay namin at ipinapaabot ang buo at lahat naming pagsusumikap,” pagpapatuloy niya.

“Nagbibigay din kami ng mga donasyon sa ilang mga kaibigan na nagreraise ng pondo. Nag-iisip pa rin kami ng iba pa kung paano kami makakatulong habang nagtatrabaho sa bahay para sa Hazelberry, ng sa gayun ay may maitulong pa tayo sa ating mga kapwa. Kaya natin to!” Pahayag ni Mina.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *