Ito na ngayon ang Beautiful Life ni Michelle Madrigal sa Texas kasama ang kaniyang asawa at anak

Nakilala ang aktres na si Michelle Madrigal bilang isa sa mga finalist ng Kapamilya reality talent search na ‘Star Circle Quest’ noon kung nakasama niya rito ang mga kilalang personalidad ngayon na sina Sandara Park, Roxanne Guinoo, Joross Gamboa at Hero Angeles.

Image courtesy: Instagram/mitch_madrigal



Nagkaroon rin ito ng ilang mga pelikula at nakakuha ng ilang mga proyekto sa industriya ng show business. Subalit hindi na nito ipinagpatuloy ang pag-aartista dahil na rin nagsimula itong tumira sa Texas kung saan sumailalim siya sa Culinary Training at doon na rin niya nakilala ang kaniyang asawa ngayon.

Image courtesy: Instagram/mitch_madrigal

Naging magkasintahan sila ng mahigit tatlong taon at nang nalaman niya na siya’y nagdadalang tao sa kaniyang unang anak, matapos ang tatlong buwan ay inaya na siyang magpakasal ng kaniyang American boyfriend of 3 years na si Troy Woolfolk.

Image courtesy: Instagram/mitch_madrigal

Ikinasal sila sa Austin Texas noong nakaraang taon at doon na rin sila nagsimula ng kanilang bagong buhay kasama ang kanilang anak na si Anika.

Image courtesy: Instagram/mitch_madrigal
Image courtesy: Instagram/mitch_madrigal



Sa kaniyang mga Instagram posts, makikita kung gaano na kaganda ang buhay ngayon ng dating aktres kung saan hands on ito sa pagpapalaki sa kaniyang anak at pagiging isang mabuting asawa kay Troy.

Image courtesy: Instagram/mitch_madrigal

Hindi rin nakalimutan ng aktres na ibalik ang kaniyang alindog matapos nitong manganak kaya naman madalas itong magpost ng kaniyang workout routines at ipinapakita ang kaniyang magandang hubog ng katawan.

Image courtesy: Instagram/mitch_madrigal
Image courtesy: Instagram/mitch_madrigal

Kwento rin ni Michelle, naging isang performer rin siya noon sa Texas kung saan sumasayaw siya sa isang variety show tuwing linggo.

Image courtesy: Instagram/mitch_madrigal

Marami na ang nagbago sa buhay ngayon ni Michelle mula ng lumipat ito sa Texas at nagkaroon ng kaniyang pamilya. Isa na rito ang pagiging open niya sa kaniyang past experiences noon at ang pagpapatanggal ng kaniyang ipinalagay na plastic surgery noon.

Image courtesy: Instagram/mitch_madrigal

Kwento ng aktres, napagtanto niya na kailangan niyang mahalin ang kaniyang sarili at magpasalamat kung anong klaseng katawana ng ibinigay ng Panginoon sa kaniya. Kaya naman bilang self-respect, naisip niyang ibalik ang kaniyang katawan sa dati nitong itsura at maging mas respectful sa kaniyang sarili kung saan naging mas healthier ang lifestyle nito.

Image courtesy: Instagram/mitch_madrigal

Sa ngayon ay focus muna ang aktres sa pagiging hands-on sa kaniyang 2-years old baby girl na si Anika dahil nais nitong pagtuunan ng pansin upang mapalaki niya itong ng tama.

Image courtesy: Instagram/mitch_madrigal
Image courtesy: Instagram/mitch_madrigal
Image courtesy: Instagram/mitch_madrigal
Image courtesy: Instagram/mitch_madrigal

Kung papalarin ay nais nitong i-pursue ang kaniyang acting skills America kapag nagsimula ng pumasok sa eskwelahan ang kaniyang anak. 





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *