Siya ang panganay na anak na babae ni Ogie Diaz na nakikilala na rin sa industriya

Hindi naman basihan ang kasarian bilang isang maging magulang. Ang mahalaga, naibibigay at natutugunan mo ang mga pangangailangan ng anak mo at nagagampanan mo ang tungkulin bilang isang magulang.

Image courtesy: Ogie Diaz/Instagram



Roger Diaz-Pandaan o mas kilala bilang Ogie Diaz. Ipinanganak noong Enero 2, 1970. Isang komedyanteng Pilipino, aktor at show business reporter.

Ang talent manager at kolumnista na si Ogie Diaz ay bukas tungkol sa kanyang kasarian, ngunit ipinagmamalaki rin niya na siya ay isang ama sa kanyang mga anak.

Image courtesy: Ogie Diaz/Instagram

Ang tanyag na si Ogie Diaz ay isang mapagmahal at tapat na ama sa kanyang apat na anak na babae at sa kanyang asawa na si, Georgette.

Image courtesy: Erin Diaz/Instagram

Hindi man siya ang kinaugaliang ama, ngunit napatunayan ni Ogie na ang pagiging LGBT ay hindi naging hadlang sa pagiging pinakadakilang tatay kalianman.

Image courtesy: Erin Diaz/Instagram

May dalaga ng anak si Ogie at ito ay gumagawa na ng pangalan sa social media. Ayon kay Ogie, ang panganay niyang anak ay maaasahan na sa kanilang tahanan. Isang mabait at responsableng anak at ate, ganito siya inilarawan ng kanyang ama.

Image courtesy: Erin Diaz/Instagram

Kamakailan lamang, si Ogie Diaz ay nagdiwang ng isang malaki at magandang debut party para sa anak na si Erin.



Dahil dito, nakakuha si Ogie ng papuri sa social media para sa pagbibigay ng enggrandeng debut para sa kanyang anak na babae na kagaya rin ng sa mga kilalang tao. Batay sa social media account ni Erin, ang batang ito ay mahal na mahal at gustong-gusto ang pagposing sa harap ng mga camera.

Image courtesy: Erin Diaz/Instagram

Walang alinlangan na ang anak na babae ni Ogie ay papasa bilang isang tanyag na tao kung nanaisin niya. Sa katunayan, lumabas na siya sa telebisyon, nang siya at ang kanyang tatay na si Ogie ay nag-guest sa kapamilya morning show na “Magandang Buhay” noong Oktubre.

Nakakuha si Erin ng papuri mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga kumento:

Image courtesy: Erin Diaz/Instagram

“may mararating ang batang ito….nakikita naman na magalang sa magulang”
“hindi malabo na sumunod din siya sa yapak ng kanyang ama”
“Magandang huwaran si popshie Ogie bilang magulang maipagmamalaki siya ng kanyang mga anak”
“Magandang bata ang anak ni Ogie”

Image courtesy: Erin Diaz/Instagram

Ang pagiging mabuting ama ay hindi nasusukat sa kung paano ka nakikita bilang isang ama, ito ay kung paano mo pinalaki ang iyong mga anak maliban sa lahat ng mga bahid at kapintasan mayroon ka. Ano masasabi niyo?





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *