Kilalanin ang napakagandang alkalde ng San Manuel, Tarlac na bumihag sa puso ng bawat netizen

Kung mayroon tayong mga gwapong alkalde tulad nina Vico Sotto ng Pasig at Isko Moreno ng Manila. Mayroon din tayong magagandang alkalde, at isa na rito ang alkalde ng San Manuel, Tarlac.

Image courtesy: Donya Tesoro/Instagram



Hindi ba nakakaakit kung ikaw ay may magandang katangian sa loob at labas? Ano pa kaya kung mayroon ka pang kagandahan at talino, ang lahat ay maaakit. Tila ang alkalde ng lungsod ng San Manuel, Tarlac ay may katangian ng lahat ng ito.

Image courtesy: Donya Tesoro/Instagram

Kamakailan lamang, ang mga paglaganap ng epidemya ay nagbigay daan upang mas makilala ng mabuti ng sambayanan kung sino sa mga opisyal ng gobyerno ang mayroong tunay na malasakit at ginagawa ng mabuti ang kanilang mga tungkulin.

Image courtesy: Donya Tesoro/Instagram

Dahil dito, nai-post ng mga netizen ang kanilang mga Alkalde na ginagawa ng mahusay ang kanilang trabaho at sa paglilingkod sa kanilang mga tao. Habang ang ilan ay nabigyan ng hindi magandang mga komento dahil sa huli na mga aksyon.

Image courtesy: Donya Tesoro/Instagram

Isa sa mga pinupuri na Alkalde ay ang city Mayor ng Pasig City na si Vico Sotto na pinalakpakan at hinangaan ng marami dahil sa kanyang dedikasyon.

Image courtesy: Donya Tesoro/Instagram



Kaya nga, kung ang Lungsod ng Pasig ay may Mayor Vico Sotto, ang lungsod naman ng San Manuel,Tarlac ay may babaeng bersyon.

Ito ay walang iba kundi si Mayor Donya Tesoro. Sa isang post sa Facebook mula sa pahina na nagngangalang GO Tarlac, nai-upload nila ang larawan ng gorgeous mayor.

Image courtesy: Donya Tesoro/Instagram

Kanilang naisulat, “Kung ang Manila at Pasig ay may gwapong Mayors. Kami naman dito sa San Manuel, Tarlac ay may maganda at may nagagawa rin para sa kanyang mga nasasakupan, walang iba kundi si Mayor Donya Tesoro.”

Ang 28-taong gulang na alkalde ay nakagawa na ng maraming mga proyekto para sa kanyang lungsod kahit na sa kanyang batang edad.

Image courtesy: Donya Tesoro/Instagram

Una siyang naging konsehal, vice mayor at sa wakas ay nahalal bilang alkalde. Ang kanyang ama na si Benjamin Tesoro ay mayroon ding malaking impluwensya na nagsilbi rin bilang Vice Mayor.

Siyempre, nagkaroon siya ng isang mahirap na simula sa politika. Ayon kay Mayor Donya, siya ay minsang ng nakatanggap ng diskriminasyon at minaliit dahil sa kanyang batang edad pati na rin ang kanyang kasarian.

Image courtesy: Donya Tesoro/Instagram

Kaya dahil dito, ito ang kanyang naging lakas upang patunayan niya sa lahat na maaari siyang maging isang mabuting pinuno kahit na sa kanyang edad at kasarian.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *