Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, ipinagdiwang ang kanilang ika-11 na anibersaryo nang simple na Dinner Date at Home

Sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang isa sa mga natunghayan na pag-iibigan sa industriya ng showbiz. Kung inyong maalala, sila rin dalawa ang may pinaka maganda at simpleng wedding na pinanood at sinubaybayan ng karamihan noon.

Image courtesy: officialjuday/instagram



Kwento ni Judy Ann noon, isang dahilan kung bakit niya minahal si Ryan ay dahil sa pagtanggap at pagmahal din nito sa adopted daughter ni Juday na si Yohan. At nang sila ay magkaroon ng kanilang unang anak, mas naging matatag pa ang kanilang relasyon hanggang ngayon.

Image courtesy: officialjuday/instagram

Kaya naman para sa kanilang 11th anniversary, masayang ibinahagi ni Judy Ann Santos ang kanilang simple celebration sa araw na ito.

Image courtesy: officialjuday/instagram

Dahil sa enhanced community quarantine ay sinimplehan na lamang ng dalawa ang kanilag celebrasyon kung saan mas alam nilang makakabonding nila ang kanilang mga anak sa araw na ito.

Bilang celebrasyon sa kanilang 11th na anniversary, naisip ng dalawa na maghanda ng simpleng dinner date kasama ang kanilang mga anak.

Image courtesy: officialjuday/instagram



Simple lamang ang kanilang celebrasyon pero bongga naman ang kanilang handa na steak, pasta at chicken. Romantic rin ang dating ng kanilang dinner set up dahil inihanda nila ito sa labas ng kanilang bahay habang may mga nakasabit na fairy lights.

Image courtesy: officialjuday/instagram

Matapos kumain ay nagkaroon ng mini date ang dalawa habang kumakain ng cake at umiinom ng wine.

“Yes!!! Nakakain kami sa labas… ng bahay! Happy 11th my love!, caption ng aktres sa kaniyang Instagram post.

Image courtesy: officialjuday/instagram

Dahil sa stay at home lamang ang pwede nilang gawin sa ngayon, laking pasasalamat na rin ni Juday dahil binasbasan sila ng blessing ni Father Caluag para sa kanilang annibersaryo matapos ang simple solemn mass habang naka live video set up ang mga ito.

“Yesterday’s simple and solemn mass and blessing with father caluag for our anniversary. Thank you fads for making sure ma-bless kami on ecq.”, caption ng aktres sa kaniyang post.

Image courtesy: officialjuday/instagram

Isa sina Juday sa pinaka successful na celebrities sa industriya ng showbiz subalit hanggang ngayon ay nananatili itong humble at simple bilang isang Nanay at asawa sa kaniyang pamilya kaya naman marami pa ring netizens ang sumusuporta sakaniya.

Image courtesy: officialjuday/instagram

Hiling ng mga netizens na sana ay manatiling matatag ang kanilang relasyon at magkaroon pa ng kasunod ang kanilang bunsong anak na si Luna.

Happy Anniversary Ryan and Judy Ann! Godbless!





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *