Heart Evangelista, sobrang cool bilang stepmom sa mga anak ni Chiz Escudero

Bukod sa pagiging mayaman at sosyal sa lahat ng bagay, hindi alam ng karamihan na si Heart Evangelista ay isa ring napakabuting stepmom sa mga anak ng kaniyang asawa na si Chiz Escudero.

Image Courtesy: Instagram/iamhearte



Sa ilang mga vlogs at Instagram posts ni Heart, madalas makita na kamasa nito ang mga anak ni Chiz at tila ba masaya ang mga bata na kasama ang kanilang stepmom. 

Image Courtesy: Instagram/iamhearte

Sa katunayan, nang magsimula ang quarantine sa siyudad ay hindi na nakasama ni Heart ang kaniyang asawa na si Chiz sapagkat kinailangan nitong lumipad sa Sorsogon upang maging hands on sa mga kailangan niyang gawin na trabaho roon. Kaya naman naiwan ang kaniyang kambal na sina Chesi at Quino sa kanilang bahay ni Heart sa siyudad.

Image Courtesy: Instagram/iamhearte
Image Courtesy: Instagram/iamhearte

Upang hindi maramdaman ng mga bata na tila malayo sila sa kanilang Ama, ibinabahagi ni Heart ang ilang mga daily activities na kaniyang pinaplano para sa mga bata habang sila ay naka stay-at-home. 

Image Courtesy: Instagram/iamhearte

Ayon sa aktres, hindi madali ang maging isang stepmother lalo na at hindi niya kinalakihan ang makisalamuha sa mga bata dahil siya ang bunso sa kanilang pamilya.

Image Courtesy: Instagram/iamhearte



“I used to be confused about it because I’m the youngest in the family and I wasn’t used to hanging out with a lot of kids,” pagbabahagi ng aktres sa isa sa kaniyang mga Vlogs.

Simula ng sila ay ikasal ni Chiz ay napagdesisyunan nila na kasama nilang titira sa iisang bahay ang kambal.

Image Courtesy: Instagram/iamhearte

Sa una ay nahihirapan raw ito dahil kinakailangan niyang habaan ang kaniyang pasyente lalo na at hindi niya anak ang mga ito. Kaya naman madalas itong magdasal na sana ay makasundo niya ang dalawa at hinabaan niya rin ito ng pasensya kasabay ng pag-exert ng effort upang magkasundo sila.

Image Courtesy: Instagram/iamhearte

“I’m very blessed that the kids of Chiz…have been living with me, and we’re really really happy and it all worked out,” pagbabahagi niya.

Masaya ang aktres na kasama niya sa iisang bahay ang mga bata dahil nakakasundo naman niya ang mga ito. Komportable sila sa isa’t isa kahit na wala ang kanilang Ama na si Chiz. 

Image Courtesy: Instagram/iamhearte

Sa katunayan, ngayong quarantine ay mas naging stronger ang bonding nilang tatlo dahil madalas mag-isip ng activities si Heart para sa mga bata.

Image Courtesy: Instagram/iamhearte

Sa ilang mga posts nito, kasama niya ang dalawa habang nagvi-video games at naglalaro ng basketball. Madalas rin silang mag-shoot ng Tiktok videos kasama ang mga assistant ni Heart kung saan mapapansin na enjoy na enjoy naman ang kambal kahit na mahiyain ang mga ito.

Image Courtesy: Instagram/iamhearte
Image Courtesy: Instagram/iamhearte
Image Courtesy: Instagram/iamhearte

Isang advice ni Heart para sa mga kagaya niya na isang stepmom, “ You cannot force themselves into their lives. You cannot force the isseu, because you’ll never be their mom. You’ll just probably going to be their fun tita.”





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *