Ibinahagi ni Glaiza De Castro na natuklasan ng kanyang mga magulang na ubod ng sipag ang kaniyang kasintahan na Irish National

Nagsalita ang Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro tungkol sa natuklasan ng kanyang mga magulang sa kanyang Irish boyfriend na si David Rainey sa gitna ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine.

Image courtesy: Glaiza De Castro/Instagram



Ang magkasintahang Glaiza at David ay magkasama ngayon sa Baler nang sila ay mai-stranded doon nang ipatupad ang ECQ. Batay sa artikulo mula sa lehitimong source, inihayag ng Kapuso star na ang kanyang mga magulang ay may pag-aalala tungkol sa kanyang kasintahang dayuhan.

Image courtesy: Glaiza De Castro/Instagram
Image courtesy: Glaiza De Castro/Instagram

Dagdag pa niya na ang kanyang ina at ama ay nag-aalangan sa kanyang ugnayan sa Irish-nasyonal na kasintahan dahil nga isang banyaga.

Sa kabilang banda, sinabi ni Glaiza na paulit-ulit na ipinakita ni David na siya ay isang mabuting tao. Ayon kay Glaiza, ngayong araw-araw niya nakakasama ang nobyo sa kadahilanan na mayroong lockdown, nakikita niya ang pagiging consistent at kasipagan ng ni David.

Image courtesy: Glaiza De Castro/Instagram
Image courtesy: Glaiza De Castro/Instagram



Narito ang inihayag ni Glaiza de Castro, matapos matuklasan ng kanyang mga magulang ang tungkol sa kanyang kasintahan. Napansin ng mga magulang ni Glaiza na masipag talaga siyang klase ng tao.

Dahil sa ECQ na higit sa isang buwan na ngayon, ang mga magulang ng aktres ay nagkaroon ng pagkakataong malaman ang tungkol sa kasintahan ng kanilang anak na babae. Kahit si Glaiza ay natuklasan ang mga bagong bagay tungkol kay David.

Image courtesy: Glaiza De Castro/Instagram
Image courtesy: Glaiza De Castro/Instagram

Sinabi niya na nakita niya na ang kanyang kasintahan ay may positibong pananaw sa buhay at alam niya kung paano makihalubilo sa mga tao. Mapapatunayan din ng kanilang kapitbahay kung gaano kabait at marunong makipagkapwa-tao si David at ipinagmamalaki niya iyon.

Narito ang kanyang pahayag, “So, nakaka-proud ‘yun para sa akin na kahit na hindi siya taga-dito or iba ‘yung kultura niya, napaparamdam niya sa parents ko most especially ‘yung concern niya hindi lang para sa akin kundi sa mga tao rin sa paligid ko.”

Image courtesy: Glaiza De Castro/Instagram
Image courtesy: Glaiza De Castro/Instagram

Ibinahagi din ni Glaiza na pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga plano sa hinaharap at sa mga susunod pang kahihinatnan ng kanilang relasyon. Gayunpaman, nag-eenjoy pa rin sila kung ano ang mayroon sila ngayon at nagtatrabaho sila sa kung ano ang maaaring maging susunod na hakbang na gagawin nila pagkatapos ng lockdown. Ano ang masasabi niyo tungkol dito?





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *