Ito na ngayon ang buhay ngayon ng national taekwondo player na si Japoy Lizardo kasama ang kaniyang asawa at mga anak

Sino sa inyo ang nakakaalala pa sa Taekwondo Athlete na si Japoy Lizardo? Alam niyo ba na ang sikat na Athlete na ito noon ay may magandang buhay at pamilya na ngayon?

Image Courtesy: Instagram/japoy_lizardo



Nakilala si Japoy Lizardo bilang isa sa mga pinakamagaling na Taekwondo player noon at naging laman ng ilang commercials at advertisement ng MILO company kung saan siya ang madalas na nakalagay sa mga sachets at packs ng mga MILO products noon.

Sumikat rin ito dahil sinubukan rin niyang pumasok sa industriya ng showbusiness at nagkaroon ng ilang proyekto sa Kapamilya Network.

Image Courtesy: Instagram/japoy_lizardo

Ang napakagwapong atleta ng Taekwondo noon ay mayroon nang sarili niyang pamilya ngayon. Ikinasal siya sa kaniyang co-taekwondo artist na si Janice Lagman noong taong 2016 at isinilang ang kanilang first baby boy na si Jace noong 2017. Samantala, noong february 2020 naman ay isinilang ang kanilang second baby boy na si Jevi.

Image Courtesy: Instagram/japoy_lizardo
Image Courtesy: Instagram/japoy_lizardo
Image Courtesy: Instagram/japoy_lizardo

Katulad ni Japoy, makikita sa ilang mga Instagram posts nito na lumalaki ang kaniyang unang anak na lalaki na kasing gwapo rin niya. Matangos ang ilong, maputi at napakaganda ng mga mata ng batang ito na kung titignan ay may potensiyal na maging celebrity ito balang araw.

Image Courtesy: Instagram/japoy_lizardo
Image Courtesy: Instagram/japoy_lizardo



Sa edad na 3 years old ay matalino ang kaniyang baby Jace dahil nakakasunod na ito sa ilang Taekwondo moves na kaniyang itinuturo. Nais ni Japoy na hanggat bata pa ay turuan na at simulan ang pag-training sa kaniyang anak upang matuto ito.

Image Courtesy: Instagram/japoy_lizardo
Image Courtesy: Instagram/japoy_lizardo

Sa ilang Instagram posts ni Janice, sinisiguro raw ni Japoy na mayroon itong bonding time kasama ang mga bata at tumutulong siya sa pagbantay sa kanilang bunsong anak na si Jevi kahit na paminsan-minsan ay busy ito sa ilang mga proyekto.

Image Courtesy: Instagram/japoy_lizardo
Image Courtesy: Instagram/japoy_lizardo

Hanggang ngayon ay parte pa rin ng buhay ni Japoy ang pagta-taekwondo kung saan madalas pa rin siyang kasali at nire-represent ang Pilipinas sa ilang mga palaro sa ibang bansa. Madalas rin siyang maging mentor ng ilang mga Taekwondo players at sumusuporta rin sa mga batang Taekwondo athletes.

Image Courtesy: Instagram/japoy_lizardo
Image Courtesy: Instagram/japoy_lizardo

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin bilang endorser ng MILO company si Japoy at nakakatanggap din ito ng ilang endorsement projects sa iba’t ibang mga kumpanya.

Image Courtesy: Instagram/japoy_lizardo
Image Courtesy: Instagram/japoy_lizardo

Sa ngayon ay focus ang aktor sa pag-alaga sa kaniyang dalawang anak habang isinasabay ang kaniyang passion sa Taekwondo at pagtanggap ng ilang projects upang mapanatili ang kaniyang career sa industriya.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *