Danica Sotto Pingris, ibinahagi ang homeschooling activity na kaniyang ginagawa para sa mga bata tulad ng Projects at Assignments

Sinisigurado ni Danica Sotto Pingris na kahit naka stay at home ang kaniyang mga anak ay tuloy pa rin ang kanilang pag-aaral at paggawa ng mga school based projects upang hindi nila makalimutan ang kanilang mga pinag-aralan.

Image Courtesy: Instagram/danicaspringris



Image Courtesy: Instagram/danicaspringris

Hands on ang aktres sa pag-isip at pagplano kung ano ang kaniyang mga ipapagawang mga projects at assignments na makakatulong sa kanilang growth and development. Siya mismo ang nagbibigay ng mga homeworks sa mga bata na kanila namang ipapasa sa ibinigay na due date.

Image Courtesy: Instagram/danicaspringris

Flexible rin si Danica sa ibang learning methods at strategy sa mga bata dahil nais niyang ma-enjoy ng mga bata ang kaniyang mga itinuturo upang mas tumatak sa kanila ang mga ito.

Image Courtesy: Instagram/danicaspringris

Katulad na lamang ng kaniyang babaeng anak na mas pinipili ang mga hands-on activities tulad ng paggawa ng mga art crafts at experiments kaysa sa pakikinig lamang sa mga lectures at pagsagot ng worksheets.

Image Courtesy: Instagram/danicaspringris

“Our daughter Caela is a kinesthetic and auditory learner. She enjoys hands-on activities, crafts, stories , songs and experiments. She cannot be sitting for two hours straight. You’ll see that she loses interest if puro worksheets and lectures for hours.”

Image Courtesy: Instagram/danicaspringris



Image Courtesy: Instagram/danicaspringris

Kaya naman hinahaluan niya ng mga art activities at fun projects ang pagtuturo sa kaniyang anak na si Caela dahil mas enjoy nito ang ganitong klaseng learning style.

Image Courtesy: Instagram/danicaspringris

Maraming mga netizens ang namamangha dahil kahit na busy si Danica ay nagagawa niyang bigyan ng oras ang pagtuturo sa kaniyang mga bata. Ibinahagi pa nito na ang daming benefits ng home-schooling lalo na at na-aadjust niya ang klase ng pagtuturo sa mga bata kung saan mas alam niyang tatatak sa mga isip nito ang kaniyang mga itinuro.

Mayroon ring sariling study room ang mga bata kung saan dito nila madalas ginaganap ang kanilang mga homeschool based projects. Si Danica mismo ang nagso-sort out ng kanilang mga study materials at siya rin mismo ang naglilinis paminsan-minsan ng kanilang study room upang tanggalin ang mga bagay na hindi na kailangan para sa kanilang pag-aaral.

Image Courtesy: Instagram/danicaspringris
Image Courtesy: Instagram/danicaspringris

“What I love about homeschooling is being able to adjust to my kids’ learning styles. It also gives us the freedom to make the lessons more fun through different kinds of activities.”

Image Courtesy: Instagram/danicaspringris

Katuwang rin ng aktres ang kaniyang asawa sa pagtuturo minsan sa mga bata lalo na sa kanilang anak na lalaki kaya hindi rin ito gaanong nahihirapan.

Image Courtesy: Instagram/danicaspringris

Katulad ni Danica, isa rin si Chesca Kramer na nagsasabi na maraming benepisyo ang Homeschooling dahil ang mga anak niya ay homeschooled rin ngayon.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *