Namangha ang mga netizens sa larawan ng ama ni Robin Padilla na ibinahagi ng kaniyang anak na si Kylie Padilla

Sa larangan ng showbusiness, maraming mga pamilya ang gumawa ng pangalan sa industriya ng show business na kung saan hinahangaan pa din hanggang ngayon.

Image courtesy: Kylie Padilla/Facebook/Instagram



Isa na dito ang pamilyang Padilla na kinabibilangan nina Robin, Rustom at Rommel na kung saan pati na rin ang kanilang mga anak at ibang kamag-anak tulad nina Kylie at Daniel ay kinikilala na din sa larangan ng showbusiness.

Kung ating matatandaan si Kylie Padilla ay anak ng kilalang aktor na si Robin Padilla sa kanyang dating asawa na si Lizel. Nito lamang nakaraang Disyembre 2018 si Kylie ay nagpakasal sa isa din sa kilalang aktor na si Aljur Abrenica at ngayon meron na sila dalawang anak.

Ang panganay nilang anak ay si Alas na pinanganak noong Agosto 2017 at ang pangalawa naman ay si Axl na pinanganak naman noong Disyembre 2019. Ang mga tagahanga at tagasuporta nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ay hindi mapigilan na masulyapan ang mga litrato na mga cute nilang anak.

Image courtesy: Kylie Padilla/Facebook/Instagram

Kung ikaw ay napapatanong kung kanino nga ba nagmana ang mga batang ito, basahing mabuti ang artikulo baka ito na ang sagot. Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan si Kylie Padilla ng kanyang lolo sa Instagram. Naghakot ito ng madaming attention sa mga netizens.

Maliban sa pinagkaguluhan ito ng mga netizens, nagkaroon din ng maliit na argumento kung sino nga ba sa mga Padilla ang kamukha ng kanilang Lolo. Ang lolo ni Kylie ay nagngangalang Roy Padilla, ama ng kilalang Padilla Boys, na kinabibilangan nina Rustom, Robin at Rommel.

Image courtesy: Kylie Padilla/Facebook/Instagram



Si Roy ay isa ring mahusay na taga-likha ng mga pelikula, aktor at naging tagapaglingkod sa bayan sa kapanahunan niya. At sa ating pagkakaalam ang mga Padilla ay masasabing mayroong nakakabighaning katangian na kinahuhumalingan ng mga kababaihan.

Sa naturang post ni Kylie na larawan ay meron ding kasamang caption na “Wish I met you and got to know you Lolo. I think we would have got along”

Image courtesy: Kylie Padilla/Facebook/Instagram

Sa mga nakakita na netizens na upload ng aktres, marami ang nagsabi na ang kanyang lolo ay isang magandang lalaki. Ang iba naman ay naalala ang kanyang Lolo bilang dating Mayor ng Jose Panganiban, Camarines Norte. Nagbahagi rin ang naturang Netizens ng maiksing senaryo kung paano niya ito nakilala at nakahalubilo.

Narito ang kanyang naging pahayag “I Met your Grandfather when he was campaigning for governor sa Camarines Norte”. “Mabait and cool ang lolo mo. MAhilig magjoke and at the same time, magalang.”

Image courtesy: Kylie Padilla/Facebook/Instagram

“Kapag kasama ako ng tatay ko sa kapitolyo kung saan may sesyon, lagi akong nanunuod sa kanilaa.”
“He has a portrait painting sa kapitolyo ng Daet Dati (nasa may hagdan pa nga nakasabit)”
“Just reminiscing the past”

Image courtesy: Kylie Padilla/Facebook/Instagram

Kung ating titingnang mabuti, ang nasabing larawan ay ating mapapagtanto na talagang nasa dugo na ng Padilla ang pagiging guwapo. At hindi rin natin maitatanggi na dahil din dito, karamihan sa kanilang pamilya ay merong mga magaganda at matagumpay na karera hanggang ngayon.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *