Ibinahagi ni Assunta De Rossi na siya ang nagdadalang-tao na sa kaniyang pinaka-unang anak sa edad na 37 taong gulang

Isa sa mga pinakamagandang karanasan bilang ina ay magkaroon ng anak. Masayang ibinalita ni Assunta De Rossi sa kanyang Instagram account na siya ay buntis na at magiging isang ganap nang ina.

Image courtesy: Assunta De Rossi/Instagram



Siguro nga’y napakasarap sa pakiramdam na ikaw bilang isang babae ay magluluwal ng isang bagong buhay na magpapasaya at magbibigay buhay sa iyong mundo. Ibinahagi ng aktres noong Mayo 5 ang kanyang mga naranasang pagbabago sa kanyang katawan.

ulad na lamang ng pagkahilo, pagod, pag duduwal at pagiging mapili sa pagkain na kung pagmamasdan ay mga senyales ng pagdadalang-tao. At noon ding Mayo 5 ay nagdesisyon ang aktres na bumisita sa OB-GYN matapos din na siya ay hindi nakaranas ng buwanang dalaw.

Image courtesy: Assunta De Rossi/Instagram

Doon niya napag-alaman na siya pala ay buntis na ng limang lingo kung kaya siya ay nakakaranas na ng sintomas ng pagiging buntis. Ayon sa post ni Assunta De Rossi “Getting pregnant the natural way with mild problems in reproductive (which I both have) is extremely difficult. Only medical intervention or a miracle can make it happen. This was a miracle!”

Image courtesy: Assunta De Rossi/Instagram



Kinonsidera ni Assunta De Rossi na ang kanyang magiging baby ay matatawag na isang himala sa kadahilanang ilang beses na nilang mag asawa na sinubukan na magkaanak. Ngunit nabiyayaan sila pagkatapos ng mahabang panahon simula nang sila ay ikinasal 18 taon na ang nakalipas.

Image courtesy: Assunta De Rossi/Instagram

Sa kanilang pagsasama naman ng kanyang asawa nagsilbi na din siyang ina sa mga anak ni Jules sa unang asawa kung kaya’t hindi na din iba sa kanya ang maging ina ngunit ibang karanasan ito sa kadahilanang siya na mismo ang nagdadalang tao at magiging isa ng ganap na ina.

Image courtesy: Assunta De Rossi/Instagram

Samantala sa pakikipanayam sa kanya, naibahagi niya sa publiko na balak ng aktres na magkaroon ng anak bago siya mag 40yrs old at ito na nga biniyayaan na siya sa edad na 37 yrs old. Ibinahagi din ng aktres sa kanyang mga naunang panayam noong nakaraang taon na siya ay kasalukayang sumasailalim sa mga medikasyon upang magkaanak, at hindi siya nabigo sa kanyang inaasam-asam.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *