Ibinahagi ni Jinkee Pacquiao ang kaniyang Skincare Routine upang mapanatili ang kaniyang ganda

Isa si Jinkee Pacquiao sa mga kilalang personalidad na hinahangaan ng mga netizens dahil sa kaniyang pagiging Fashionista at pagiging classy sa lahat ng bagay. Mula sa kaniyang mga mamahaling designer bags, luxury clothes at mga sapatos ay talaga namang certified true fashionista ang celebrity star na ito.

Bukod doon, kahit gaano na kataas ang larangan ni Jinkee ay marami pa rin itong mga followers at taga-subaybay dahil nananatiling humble at down to earth ito sa likod ng kaniyang kayamanan.

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao



Kung papanoorin sa kaniyang mga vlogs ay simple lamang ito kung magsalita at tila walang arte pero makikita mo kung gaano ito ka-sosyal dahil na rin sa kaniyang mga luxury clothes na isinusuot.

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Kamakailan nga lamang ay nagbahagi ito ng kaniyang skincare routine sa isa sa kaniyang mga youtube vlogs kung saan nag-trending ito sa social media dahil hindi inakala ng karamihan na ganito pala kamahal ang kaniyang mga ginagamit na produkto sa kaniyang mukha.

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao



Sa vlog ni Jinkee ay isa-isa niyang ibinahagi kung paano ang steps sa kaniyang skincare routine kung saan sabay niyang ipinapakita ang mga beauty products na kaniyang ginagamit sa araw-araw.

Nang mapanood ito ng isang curious netizen ay agad niyang hinahanap kung magkano at saan nabibili ang mga produktong gamit ni Jinkee. Laking gulat na lamang niya na halos umaabot sa dalawang libo kada beauty product na kaniyang ipinakita.

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Napag-alaman na ang lahat skin care products na kaniyang ipinakita ay nagkakahalaga ng mahigit 38,170 pesos.

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Narito kung magkano ang bawat pirasong beauty product na kaniyang ginagamit araw-araw:

• Skin Facial Wash- $33 (1,700 PHP)
• Skin Creamy Cleanser- $33 (1,700 PHP)
• Skin Nutrient Toner- $40 (2,050 PHP)
• Post-Procedure Fast Skin Repair- 3,359.37 PHP
• Anti-Aging Ampoules- 3,493. 74 PHP
• $49 (2,490.45 PHP)
• Skin HydraLuxe- $147 (7,471.35 PHP)
• Rodial Chin and Neck Lift- $97.95 (4,978. 36 PHP)
• Skin Rejuvenating Serum- $92 (4,675.95 PHP)
• Mesoestetic Collagen 360°- 4,367. 18 PHP
• Skin A&C Synergy Serum- 5,235.03 PHP

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Ayon kay Jinkee ay hindi nito gusto ang masyadong maraming inilalagay sa mukha kaya ang ilan sa mga produktong ipinakita nito ay salitan lamang niyang ginagamit.

Dahil rin nagkaka-edad na ito ay mas inaalagaan talaga ni Jinkee ang kaniyang balat lalo na kaniyang mukha at leeg dahil ito ang mga parte ng katawan na madalas magkaroon ng wrinkles at sagging skin.

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Para kay Jinkee ay malamang maliit na halaga lamang ang presyo ng mga ito, ngunit para sa mga ordinaryong tao ay sadyang napakamahal na ng mga ito para lamang sa mga produktong gagamitin sa balat. Kaya naman maraming netizens ang nagulat dahil hindi nila inakala na ganito pala kamahal ang kaniyang mga ginagamit na skincare products.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *