Niregaluhan ni Misis si Mister ng sapatos dahil sa hindi daw ito tagahanga ng artistang si Ivana Alawi

Disclaimer: Ang artikulong ito ay hindi naglalayon na hikayatin ang sinumang indibidwal na itigil ang pagsuporta sa tao o paksa na tinatalakay sa kuwento datapwa’t ito ay mayroong layunin na maging katuwaan lamang para sa magbabasa.

Isang post sa facebook ang sikat ngayon matapos regaluhan ni misis si mister. Maraming mga netizens ang humanga sa post ng misis matapos nitong regaluhan ang mister ng sapatos sa kadahilanang hindi nito pag-follow kay Ivanna Alawi.



Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram
Image courtesy: Lloyd Mejia/Facebook

Ito ang kanyang naging premyo ng napasunod niya ang kanyang asawa sa simpleng hindi pagsuway sa mga ayaw nito. Ang nasabing mister ay si Lloyd Mejia na nag post ng nasabing litrato na may caption na “Sigurado after nito, mababawasan followers ni Ivanna. Thank you love! Cutiiee!!!”

Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram

Makikita sa larawan na may nakasulat pa sa kahon ng regalo ng napakakyut na mensahe ng misis sa kanyang mister na nagsasabi “Dahil di mo pinafollow si Ivana may shoes ka! Wuv you”

Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram
Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram



Ang post nito ni Mejia ay biglang kumalat lalo na sa mga may asawa at nagawa pa nilang itag rito ang kanilang mga misis na umaasa na sila ay regaluhan din tulad ng ginawa ni Mejia. Yung iba namang mga netizens ay di naman mapigilan ang sarili na kiligin at mamangha sa post.

Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram

Hindi naman siguro natin nakakalimutan kung sino nga ba si Ivana Alawi? Siya lang naman ang isa sa mga magaganda at s3 xy na artista ng kapamilya network at isang sikat na Vlogger sa youtube na kinahuhumalingan ng napakaraming lalaki dahil sa taglay nitong ganda.

Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram

Abot sa milyon kung titingnan natin ang dami ng kanyang followers at karamihan dito ay lalaki, kung kaya’t karamihan ng mga misis ay nagagalit at nagseselos kay Ivana sa kadahilanang nahuhumaling ang kanilang mga mister rito.

Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram

Sa ibang mga post din na matutunghayan sa facebook meron ding mga asawa ang hindi naman niregaluhan ngunit naabutan ng kanilang mga misis na nag-lilike sa bawat post ng actress na si Ivana Alawi. Kung kaya ako sa inyo mga mister tayo ay magpakabait at sundin ang kanilang mga gusto upang maregaluhan din ni misis. Sabagay sino nga naman ang hindi mahumaling sa ganda ni Ivana.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *