Dream come true ang mala-Fairytale house castle ni Jewel Mische sa ibang bansa kasama ang kaniyang pamilya

Naaalala niyo pa ba ang dating aktres na si Jewel Mische? Nakilala siya bilang Ultimate sweetheart nang sumali ito sa isang reality talent search ng kapuso network. Nakasali rin ito sa ilang mga teleserye at nabigyan ng ilang showbusiness projects subalit tuluyan na itong lumisan sa showbusiness nang magdesisyon itong magsimula na ng panibagong buhay.

Image courtesy: mischejewel/instagram



Simula nang ikasal ito sa kaniyang asawa, sa ibang bansa na namalagi ang aktres at kasalukuyang masaya na siya ngayon sa kaniyang bagong buhay dahil na rin sa kanilang dalawang anak.

Image courtesy: mischejewel/instagram
Image courtesy: mischejewel/instagram

Napakaganda na ng buhay ng aktres ngayon dahil bukod sa natagpuan na niya ang kaniyang lifetime partner ay tila ba parang fairytale ang buhay nito sa Michigan USA dahil sa kaniyang napakagandang bahay.

Image courtesy: mischejewel/instagram

Simula bata pa lamang raw ito ay nais na niyang tumira sa isang secluded Tuscan cottage na may magandang view at may malapit na ilog kung saan pwede silang magstroll ng kaniyang mga anak.

Image courtesy: mischejewel/instagram



Image courtesy: mischejewel/instagram

Kaya naman ginawa lahat ng aktres upang mahanap at matupad ang kaniyang perfect home kung saan nakahanap ito ng kaniyang dream house na kasalukuyan niyang tinatawag na ‘fairytale castle’. 

Image courtesy: mischejewel/instagram

Ang bahay ng aktres ay kahalintulad ng mga bahay ng mga prinsesa sa mga fairytale books kung saan malapit ito sa nature at gawa sa bato ang exterior ng kanilang bahay. Maraming proseso ang kaniyang pinagdaanan dahil sa una ay ayaw ibenta ang bahay na ito. Matapos ang ilang buwang pagdadasal ay nakuha din nilang bilhin ang dream house na ito na tila ba isa raw itong answered prayer para kay Jewel.

Image courtesy: mischejewel/instagram
Image courtesy: mischejewel/instagram
Image courtesy: mischejewel/instagram

Sa kasalukuyan, napakaganda na ng buhay ng aktres ngayon lalo na at nadagdagan pa ang kanilang pamilya dahil nagkaroon sila ng second baby daughter. Hands-on si Jewel sa pag-aalaga sa kaniyang dalawang napakagandang anak na babae na ipinangalan niyang Aislah Rose at Emerald Jade.

Image courtesy: mischejewel/instagram
Image courtesy: mischejewel/instagram

Kahit na paminsan-minsan ay mahirap ang pagiging isang ina at asawa, tinitiis ni Jewel ang lahat at kinakaya niya na maging supermom sa kaniyang dalawang anak. Hindi rin niya kinalimutan na alagaan ang kaniyang sarili dahil hanggang ngayon ay walang kupas pa rin ang ganda nito at tila ba parang walang nagbago dahil kung ano ang kaniyang awra noon ay ganoon pa rin ngayon.

Image courtesy: mischejewel/instagram

Sobrang thankful ni Jewel sa kaniyang napakabonggang buhay ngayon. Tila ba parang living like a fairytale ang peg ng kaniyang buhay dahil bukod sa natagpuan niya ang kaniyang Prince Charming na sobrang inlove na inlove siya, nakabuo rin sila ng dalawang magagandang mga anak at nakatira pa sila sa Fairytale like castle na kaniyang pangarap.

Image courtesy: mischejewel/instagram
Image courtesy: mischejewel/instagram

Dream come true nga naman ang kaniyang achievements sa buhay ngayon. Tila ba parang isa na rin itong prinsesa 





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *