Ito na ang kasalukuyang buhay ngayon ni Hero Angeles mula nang kaniyang lisanin ang buhay artista

Si Hero Angeles ay nakilala noong nanalo siya sa isang talent search program na “Star Circle Quest” ngunit pagkatapos matampok sa ilang mga programa ang nasabing artista bigla na lang naglaho, nasaan na nga ba si Hero?

Image courtesy: Hero Angeles/Instagram



Siya ay inilarawan ng kanyang mga katrabaho at kasamahan bilang mabait at mapagbigay na tao na kung saan laging willing na magbahagi at magturo ng kanyang talento sa iba.

Image courtesy: Hero Angeles/Instagram

Sa isang bidyo na ating mapapanood sa Youtube Channel Artista Updates ay matutunghayan ang eksklusibong panayam kay Hero Angeles tungkol sa kanyang buhay bilang artista hanggang sa buhay niya ng umalis siya sa showbusiness.

Image courtesy: Hero Angeles/Instagram

Kung ating matatandaan si Hero Angles ay napabilang sa mga hottest stars noong 2004 pagkatapos niya manalo sa “Star Circle Quest” at kalaunan naging ka loveteam ang dating artista na si Sandara Park.

Sumikat ang mag loveteam lalo na ng maipalabas ang kanilang pinagbidahan na pelikula na pinamagatang “Bcuz of You” at “Can This be love?.”

Ngunit sa kabila ng kanilang tagumpay na natamasa ay nakapag desisyon pa rin si Hero na umalis sa showbusiness nang matapos ang kanyang kontrata saan Kapamilya network at nakita na lang sa mangilan-ngilang programa sa ibang television network.

Image courtesy: Hero Angeles/Instagram



Ang kanya namang ka loveteam na si Sandara Park ay nag-desisyon naman bumalik ng South Korea at doon naging isa siyang sikat na singer superstar.

Noong Marso 2008 ang aktor na si Hero ay natunghayan sa programa ng GMA network na Luna Mystika at Dyesebel at doon napag-alaman na opisyal na siya lumipat ng tv station network sa ilalim ng management ng yumaong Master showman na si German Moreno at ng kapatid ni Hero na si Henry Angeles.

Sa kabila ng kanyang paglipat mapapansin na mangilan-ngilan lamang ang kanyang kinatatampukan na mga programa sa TV at masasabi natin na hindi siya nagtratrabaho bilang fully pledge na artista.

Image courtesy: Hero Angeles/Instagram

Ang dahilan ng mga kaganapan na ito ay dahil mas pinili pala niya na maging isang pintor at doon niya nilaan ang kanyang oras at sarili at nagdala sa kanya sa katagumpayan na tinatamasa niya ngayon. Sa katunayan meron siyang facebook page na pinamagatang Artcetero na kung saan nagsasama at nag-uusap doon ang ibat-ibang artist ng kanilang mga likha.

Image courtesy: Hero Angeles/Instagram

Sabi nga ni Hero sa kanyang panayam na noong bata pa lamang siya ay talaga namang nahuhulog na ang kanyang damdamin sa pagguhit. Makikita karamihan sa kanyang mga likha ay hayop at mga komplikadong hugis na mas maliit pa sa pang-ipit ng papel.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *