Andi Eigenmann, hindi ikinakahiya ang pagkakaroon ng Belly Stretch Marks na nanggaling sa panganganak

Mula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak, nakakaranas ng iba’t ibang klase ng transformation ang katawang ng isang babae. Kadalasan, ang ilang mga Nanay na kakatapos lamang sa pagdadalang tao ay nakakaranas ng iba’t-ibang pagbabago sa kanilang katawan, pisikal at mental.

Isang tipikal na kondisyon kung saan bumababa ang mental health ng isang Nanay dahil na rin sa kaniyang hirap na pinagdadaanan sa pag-aalaga ng sanggol at sa body changes na kaniyang mararanasan. Isang madalas na problema ng mga new moms ay ang pagkakaroon ng stretch marks o belly marks na nanggaling sa kanilang pagbubuntis. Ito ang kadalasan na ikinakababa ng confidence ng ilang mga Nanay dahil ang dating magandang balat ay nagkaroon na ng mga kulu-kulubot na itsura.

Image courtesy: Instagram/andieigengirl



Subalit para sa aktres na si Andi Eigenmann, hindi niya ikinakahiya ang pagkakaroon ng belly marks at sagging belly dahil ito raw ay bunga ng kaniyang dalawang magagandang anak.

Image courtesy: Instagram/andieigengirl

Marami raw ang nagtatanong sa aktres kung ano ang kaniyang ginawa na para matanggal ang kaniyang mga stretch marks at ibinahagi nito na hindi niya raw alam kung ano ang tamang paraan dahil hanggang ngayon ay visible pa rin ang kaniyang mga stretch marks sa tyan.

“I often get questions about how I got rid of my stretch marks. I don’t know why because as you can see in this photo (just like in a couple of others), I never did!”caption ni Andi sa kaniyang Instagram post.

Image courtesy: Instagram/andieigengirl

Isang magandang advice nito para sa mga Nanay na nais ibalik ang kanilang pangangatawan ay ang pagkakaroon ng consistent exercise araw-araw at pagkain ng healthy foods upang maging strong ang mga muscles sa tyan at matanggal ang belly fats.

Image courtesy: Instagram/andieigengirl

Para naman sa kaniyang stretch marks sa kaniyang balat, pinapahiran raw ni Andi ng Argan oil ang kaniyang tiyan upang kahit papaano ay mawala ang mga marka na ito kahit alam niyang matagal ito bago mawala.

Image courtesy: Instagram/andieigengirl



“With consistent, exercise, eating healthy and some trusty argan oil, I believe it improved over time, but I’m aware that it will never actually go away.”

Sa litratong ibinahagi nito sa kaniyang post, kitang-kita na mayroon pa rin itong stretch marks sa kaniyang tiyan at hindi raw niya ito ikinakahiya dahil isang magandang simbolo ito na ipinanganak niya ang kaniyang dalawang baby girls.

Image courtesy: Instagram/andieigengirl

“Maybe with the right angle and good lighting, (or with a super cute distraction like the one I’m carrying here LOL), it sometimes seems likes it isn’t there. But I’ve had them since having Ellie, and I know that as much as they may become less obvious over time, they will never really go away. But just because we have these belly marks, doesn’t mean we aren’t allowed to wear your favorite cropped tops and bikinis anymore!

Image courtesy: Instagram/andieigengirl

Kaya kahit na visible pa rin ang sagging belly at marks ni Andi, hindi ito naging hadlang upang bumaba ang kaniyang confidence sa kaniyang sarili. Madalas pa rin itong magsuot ng mga crop tops at swimwear dahil hindi siya nahihiyang makita ito ng ibang tao.

Image courtesy: Instagram/andieigengirl

Natuto rin daw ang aktres na maging komportable kung ano ang kaniyang timbang at magkaroon ng healthy lifestyle sa pamamagitan ng pagkain ng mas maraming gulay at prutas.

“I’ve grown to be more comfortable and proud of them because hey! This body has done amazing things. It carried my 2 beautiful girls for 9 months, and gave birth to them safely too! I hope you guys will realize that too.”





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *