Kilalanin ang kapatid ni Andrea Brillantes na nagngangalang Kayla na nagtataglay rin ng angking ganda

Isa sa mga hinahangaan natin na artista sa panahon ngayon ay si Andrea Brillantes! Sa kabila ng lahat di natin inaakala na meron pa siyang isa pang kapatid na kasing ganda ng nasabing aktres kaya nama’y atin itong pag-uusapan.

Image courtesy: Andrea Brillantes/Youtube



Nakilala natin ang aktres na si Andrea Brillantes noong una siyang maging parte sa programa na pinamagatang “Goin’ Bulilit”. Dito nakilala ang nasabing aktres at nang dahil sa kanyang taglay na natural na kagalingan sa pag-arte kung kaya’t siya ay nabigyan ng iba’t ibang programa na kanyang pinagbidahan.

Image courtesy: Andrea Brillantes/Youtube

Sa kanyang panahon ngayon ay isa na siya sa mga kilalang artist na namamayagpag sa mundo ng showbusiness. Hindi lamang natin matutunghayan ang nasabing artista sa programa sa telebisyon sapagkat nakikita din natin ito sa iba’t ibang social media platforms at talaga namang nakakabighani ang kanyang ganda.

Image courtesy: Kayla Aan Brillantes/Instagram

Hindi natin aakalain na meron pa palang kapatid ang nasabing aktres na masasabing kasing ganda nito na mapaghihinalaan natin silang dalawa na kambal.

Image courtesy: Kayla Aan Brillantes/Instagram

Ang nasabing kapatid ni Andrea Brillantes ay nagngangalang Kayla Aan Brillantes at hindi mo mapagkakaila na sila ay hindi magkapatid, dahil tulad ng nasabing actress sila ay merong magkaparehong facial features na talagang kahuhumalingan at hahangaan ng marami.

Image courtesy: Kayla Aan Brillantes/Instagram



Sa kabila ng hindi pagiging artista masasabi mo pa rin na siya ay sikat dahil meron din siyang mga tagahanga tulad ng kanyang kapatid na aktres at ito ay aabot ng hanggang daang libong tagasuporta.

Isa sa mga hilig ni Kayla Aan ang magsuot ng mga magagandang damit at makikita naman na bagay ang mga ito dahil sa kanyang magandang hubog ng katawan. Hindi lamang kagandahan at kasikatan meron si Kayla dahil noong nakaraan lamang ay nagtapos siya sa kolehiyo sa San Beda.

Image courtesy: Kayla Aan Brillantes/Instagram

Kung atin naman sisilipin ang kanyang Instagram account matutunghayan natin ang iba’t ibang larawan na magkasama ang magkapatid na kung saan masasabi natin na sila ay malapit sa isa’t isa.

Image courtesy: Kayla Aan Brillantes/Instagram
Image courtesy: Kayla Aan Brillantes/Instagram

Hindi man siya artista at kasin-sikat ni Andrea Brillantes pero aminin natin na silang dalawa ay magkasing ganda na minana nila sa kanilang mga magulang. Ang magkapatid na Brillantes ay talaga namang kaabang-abang at pinapanood dahil sa kanila natin matutunghayan ang marami pang bagay na kaabang-abang na maaari pa natin matunghayan at possible ring matutunan.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *