Piolo Pascual kasalukuyang sinusulit ang pagkakataon na kasama ang kanyang ina sa Batangas

Sa kasalukayang pangyayaring kinakaharap ng sangkatauhan at ng buong bansang Pilipinas na nakapasailalim sa ECQ, marami sa atin ang naghahanap ng bagay na mapaglilibangan ng ating mga oras at atensyon.

Image courtesy: Piolo Pascual/Instagram



Tulad nalang ng mga nakikita natin na post ngayon sa facebook na ang karamihan ng mga netizens ay ibinabahagi ang kanilang past time o mga pinagkakaabalahan, kagaya nalang ng pagsasama-sama ng pamilya sa pagluluto, paglaro, pagguhit at iba pa.

Image courtesy: Piolo Pascual/Instagram

Gayunpaman, para sa aktor na si Piolo Pascual ay mas pinili niya na makasama ang kanyang ina sa Batangas sa kanilang rest house. Ito lamang ay napag-alaman nang nagkaroon ng pagkakataon ang singer na si Pops Fernandez na makapanayam ang aktor na si Piolo Pascual at matanong ano nga ba ang kanyang pinagkakaabalahan sa ngayon.

Image courtesy: Piolo Pascual/Instagram

Sagot naman ng aktor ay “I’m Staying alive” dagdag pa nito ay mahigpit niyang sinusunod ang mga Quarantine protocols upang makaiwas at makaligtas din ang maraming tao. Sabi pa niya hindi din siya lumalayo at lumalagpas sa naturang property nila sa Batangas at makipaghalubilo.

Sa kabila ng lahat na kahit nasa bahay lamang ang aktor ay patuloy pa din itong nagbibigay ng tulong sa nakakarami.

Sabi niya “for the first time, since I’m kind of away in the province, I’m in Batangas. I don’t have a way to personally attend to all outreach that we’re putting up”

Image courtesy: Piolo Pascual/Instagram

“So what I did for this season, I jst donated to different foundations to different programs.”
“Just tap them to deliver whaever donations. Sila na ang gagawa,”

Dagdag pa ng aktor “the most important thing is I’m staying home, I’m staying within the premises of the property.”

Image courtesy: Piolo Pascual/Instagram



Pagtapos, natanong din ng singer na si Pops kung ano na ang balita sa kanyang ina na kung saan dali-dali din namang ibinahagi ni Piolo Pascual na maayos naman ang kalagayan ng kanyang ina at ginagamit din niya ang Quarantine na ito bilang oportunidad upang maalagaan at mapasaya ang kanyang ina.

Ang pahayag ng aktor ”I get to spend the best times with her now. I wake up so early, we go for a walk together, kasi she needs a guide, kasi puro steps. So just recently, just two days ago, she was walking with two dumbbells, so okay na siya, mas lumalakas na, and she says mas nakakaikot na siya ng marami ngayon. And she’s much stonger”.

Image courtesy: Piolo Pascual/Instagram

Hinihiling ng aktor na sana matapos na ang krisis na nararanasan ng Pilipinas at ng kanyang mga kababayan. Naniniwala din ang aktor na makakabangon ang mga Pilipino sa kabila ng mga pinsalang pinagdaanan ng bawat mamamayan.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *