Ibinahagi ni Drew Arellano ang sweet na tawagan nila ng kaniyang asawa na si Iya Villania noong sila’y magkasintahan pa lamang

Drew Arellano ibinahagi ang kanilang napakalambing na tawagan ng kanyang asawa na si Iya simula noong 2004. Tulad ng mga magkasintahan at mag-asawa, si Drew at Iya ay dumaan at naranasan din ang estado ng relasyon na kung saan sila ay sobrang “cheesy” sa isa’t isa.

Image courtesy: Drew Arellano/Instagram



Image courtesy: Drew Arellano/Instagram

Sa tagal na nilang nagsasama bilang mag-asawa, hindi nila maitanggi na dumaan din sila sa mga panahon na kung saan meron silang mga iba’t ibang malalambing na tawagan na nagpapatunay ng pagiging “cheesy” ng kanilang relasyon.

Image courtesy: Drew Arellano/Instagram

Sa pagdiriwang ng kanilang ika-16 anibersaryo, nag-post ang sikat na actor/host sa kanyang Instagram account ng kanilang mga tawagan sa isa’t isa ni Iya noong sila ay mag kasintahan pa lamang. Ito ay ang “Pooky” na para kay Iya na ang ibig sabihin ay “Cute Person” at “Shnooky” naman para kay Drew na ang ibig sabihin ay “sweatheart.”

Image courtesy: Drew Arellano/Instagram



Nagbahagi din si Drew ng konting mga impormasyon tungkol sa kanila ni Iya noon lamang Mayo 9 sa kaniyang social media account kasama ang larawan ng isang wrist watch na ibinigay niya kay Iya noong 18th birthday nito. Ngunit hindi niya ibinahagi kung ano ang kwento at pinagmulan ng kanilang malalambing na tawagan.

Image courtesy: Drew Arellano/Instagram

Mapapansin sa larawan, na ang relo ay merong nakaukit na mga katagang “To Pooky, Loving you… From Shnooky June 29, 2004” na kung saan ay natuwa si Drew ng makita at maalala niya ang mga panahon na ito.

Image courtesy: Drew Arellano/Instagram

Pahayag ni Drew sa kanyang post “Pooky? Shnooky? We could’ve thought of waaaaaaaay better terms of endearment back in ’04 but we were young and cheesy as a 4cheese pizza,” ang mga ito ay naalala ni Drew ng makita niya ang relo at maalala na siya mismo ang nagbigay nito kay Iya.

Image courtesy: Drew Arellano/Instagram

Aniya pa niya “I gave this watch as a birthday present during your (Iya) debut celebration. Although we both know you were uncomfortable wearing watches or any type of jewelry, you still wore it to make me happy, ” dagdag pa ni Drew “That’s who you are – thinking of how to make other people happy until now. Aaaaand that’s why I’m a lucky… I guess like this watch, my love for you is automatic and endless. Happy anniversary.”





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *