“God Heavenly Morning, TJ” Ito ang araw-araw na bati ni Tirso Cruz para sa kaniyang yumaong anak

Halos magda-dalawang taon na ang nakakalipas mula ng mawala ang anak ni Tirso Cruz III na si TJ Cruz taong 2018 dahil sa isang malalang kondisyon na kanilang hinarap ng halos anim na buwan. Labis na ang pagkamiss ng aktor sa kaniyang anak kaya naman araw-araw pa rin niya itong ipinagdadasal at kinakausap sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaniyang larawan sa Instagram account ng aktor.

Image Courtesy: Instagram/tirsocruziii



Ito na ata ang pinakamasaklap na posibleng maranasan ng isang magulang— ang mawalan ng anak at hindi na muli pang masaksihan ang kanilang paglaki.

Ilang araw matapos mawala ang anak ni Tirso, sinimulan niyang magsulat ng kaniyang mensahe para sa kaniyang anak at arawa araw na itong nagbabahagi ng daily life ng kaniyang pamilya at old photos sa pamamagitan ng pagpost sa kaniyang Instagram account.

Image Courtesy: Instagram/tirsocruziii

Napakatouching at inspiring kung babasahin ang kaniyang mga mensahe sa kaniyang anak subalit napakalungkot kung iisipin lalo na at hindi na niya muling makikita pa ang anak.

Image Courtesy: Instagram/tirsocruziii

Tila ba ang pagpost ng dedication message ay ang kaniyang paraan para kausapin ang kaniyang namayapang anak at upang maibsan ang lungkot na kaniyang nararamdaman sa pagkawala ni TJ.

Image Courtesy: Instagram/tirsocruziii

Madalas niyang simulan ang kaniyang dedication message na “Godly Heavenly Morning, TJ” na may kasamang pagkwento kung ano ang nangyari sa kaniyang araw at kasabay ng pagsabi na labis na niya itong namimiss.

Image Courtesy: Instagram/tirsocruziii



Bilang lang ang mga araw na hindi ito nakapagbahagi ng kaniyang post subalit sinisiguro niya na sa mga susunod na araw ay patuloy pa rin ang kaniyang mensahe para kay TJ.

Image Courtesy: Instagram/tirsocruziii

Narito ang ilang dedication message ni Tirso Cruz kay TJ na sobrang nakakalungkot.

“Godly heavenly afternoon TJ. Sorry for not posting a message yesterday. Although in my heart, painful as it may be, I remembered it was the 17th month anniversary of your passing away. As days and months go by, so many memories come to mind. From your childhood to your last days on earth. The fun times, the petty quarrels, all now count so much. For no matter what the situation, they were still times that we shared with you. Missing you my son. Love you TEEJ!”

Image Courtesy: Instagram/tirsocruziii

“God heavenly morning TJ! How time flies. Look at this picture of ours. And never did it cross my mind that you would leave us. But I am now at peace. Knowing that you are with our Father in heaven. “

Image Courtesy: Instagram/tirsocruziii

“Godly heavenly morning TJ! Woke up this morning and found your mama crying again. And I know it’s because of memories of you. How I wish I could also put my arms around you like in this picture once more. It seems this is one of those days again when memories of you just flood our minds. It may be the effect of this quarantine we’re going through. How I miss you TEEJ.

Image Courtesy: Instagram/tirsocruziii

“Godly heavenly evening TJ! Here’s a pic of me and mama taken in Frisco. Notice the necklace we’re both wearing? That’s a reminder of you…”

Damang-dama ng mga netizens ang lungkot na nararamdaman ni Tirso at ng kaniyang pamilya kaya naman marami ang sumusuporta at nagbibigay ng touching message para sa aktor.

Image Courtesy: Instagram/tirsocruziii

Hindi kinakalimutan ng aktor na sabihin kung gaano niya ito kamahal at kung gaano na niya ito gustong makapiling. Kahit na madalas pa din itong nalulungkot sa pagkawala ng anak, masaya si Tirso na kahit papaano ay kasama na ni TJ ang ating Panginoon at hindi na siya muling maghihirap pa.

Image Courtesy: Instagram/tirsocruziii

Tila ito na ang napakasaklap na pangyayari sa buhay ng tao— ang mawalan ng pinakamamahal na tao sa iyong buhay.

Image Courtesy: Instagram/tirsocruziii

Ang mga mensahe ni Tirso Cruz ay isang paalala na huwag nating balewalain ang mga oras na kasama natin ang ating mga mahal sa buhay dahil hindi natin alam kung hanggang kailan na lamang natin sila makikita.

Image Courtesy: Instagram/tirsocruziii
Image Courtesy: Instagram/tirsocruziii

God bless you Sir Tirso Cruz and your family! May God take away your pains and sorrows. May you rest in peace in Heaven, TJ.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *