Kilalanin si Trisha Cruz ang napakagandang kapatid ni Ella Cruz

Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala sa sikat at magandang dalaga na si Ella Cruz. Sa likod ng kamera siya ay si Gabriela Annjane Umali Cruz, isang 23 taong gulang na dalaga na nakilala sa isang fantasy drama noong 2012.

Image courtesy: Trisha Cruz/Youtube



Isa din siyang endorser ng iba’t ibang produkto, host, modelo ng iba’t ibang komersyal sa telebisyon at higit sa lahat magaling na mananayaw.

Nagsimula ang kanyang career sa showbusiness sa murang edad sa ilalim ng Viva Artist Agency. Kalaunan mas lalong nakilala si Ella Cruz nang kanyang sayawin ang kanta na “Twerk it like Miley” na kanyang inupload sa Youtube.

Image courtesy: Trisha Cruz/Youtube

Noon lamang 2017 nakuha niya ang kanyang unang leading role sa pelikula na pinamagatang “Fangirl, Fanboy” kasama ang kanyang ka loveteam na si Julian Trono. Sa taon din na iyon ay nakapag publish din ang actress ng libro na pinamagatang “Jump In” sa ilalim ng V3RJ Books Publishing na kung saan inilathala niya ang kwento ng kanilang love team ni Julian Trono.

Makikita din sa libro ang iba’t ibang litrato nilang dalawa at mga tula na ginawa ni Julian Trono para kay Ella Cruz na kanyang pinost sa Twitter.

Image courtesy: Trisha Cruz/Instagram



Hinggil sa ating kaalaman ang ating minamahal na Millenial Dance Princess ay mayroon pa palang kapatid na kasing ganda din nito na nagngangalang Trisha Cruz. Maliban sa kanyang kapatid na si Trisha ay mayroon pa siyang dalawang kapatid na nagngangalang Ethan at Lana.

Ang pamilya ni Ella Cruz ay tubong Angat, Bulacan ngunit sa kabila ng kanyang katanyagan nanatili pa din pribado ang kanilang tunay na kinaroroonan.

Image courtesy: Trisha Cruz/Instagram

Mapapansin naman natin sa actress tungkol sa kanyang kalagayan at ugali na siya ay lumaki sa pamilya na puno ng pagmamahal at suporta.

Noon lamang January 11, 2017 sa programang “Magandang Buhay ” ay kasama ni Ella Cruz ang kanyang kapatid na si Trisha Cruz sa isang interbyu na kung saan ipinahayag ng actress na sobra silang close ng kanyang kapatid na babae na si Trisha lalo na sa usaping lovelife.

Image courtesy: Trisha Cruz/Instagram

Karamihan ng mga netizens na nakapanood ng episode na iyon ay nabighani sa kagandahan ng kapatid ni Ella Cruz. Ang ilan sa mga netizens ay umaasa na balang araw ay makita nila na makapasok sa showbusiness ang kapatid ni Ella Cruz na si Trisha Cruz.

Image courtesy: Trisha Cruz/Instagram

Para naman sa mga netizens na gustong sumubaybay kay Trisha ay maaaring mag subscribe sa kanyang mga social media accounts at youtube channel na kung saan nagbabahagi siya ng kanyang mga bidyo sa online gaming, fashion, lifestyle at travels.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *